Arjo, sinuportahan at puring-puri sa napakahusay na pagganap sa ‘Bagman’

NI:  Rohn Romulo

PUNUM-PUNO ang Cinema 6 ng TriNoMa na kung saan ginanap ang special celebrity screening ng iWant Original Series na Bagman na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.

Produced ito ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment at kasama rin sa cast sina Alan Paule, Jet Pangan, Yayo Aguila, Chanel Latorre at Raymond Bagatsing.

Ang 12-part series na ito ay isinulat at idinirek ni Shugo Praico, tatlong episodes naman ang ipinalabas sa special screening na dinaluhan ng mga top-executives ng ABS-CBN at mga stars na nagbigay ng suporta at isa na nga rito si Angel Locsin na kung saan nakasama niya si Arjo sa The General’s Daughter, may sakit daw si Maricel Soriano kaya hindi ito nakapunta.

Samantala, nagsimula na last Wednesday (March 20) na ipalabas ang first six episodes na libreng napanood ng mga subcribers ng iWant.

bagman1

Tatlong episodes naman ang mapapanood sa Marso 27, at ang huling tatlong episodes sa Abril 3.

Proud mommy naman si Sylvia Sanchez sa napakahusay na pagganap ni Arjo sa action-drama series bilang si Benjo Malaya na isang simpleng barbero pero madiskarte. Dahil sa kahirapan at pangangailangan ng kanyang buntis na asawa ay nasadlak sa isang illegal na trabaho na magsasalba para bumuti ang kanilang kabuhayan.

At dahil sa suwerteng dumating masisilaw si Benjo sa pera at kapangyarihan, hanggang sa  pagsisilbihan niya ang gobernador ng probinsya bilang ‘bagman’ nito.

Puring-puri nga si Arjo ng mga kapwa-artista niya, pati na ang mga big boss ng ABS-CBN, kaya ganun na lang suporta nila sa Bagman na para talaga isang malaking pelikula na nag-premiere night, dahil punum-puno talaga ang mga sumuporta ang gustong matungyahan ang kahusayan ng ‘man of the hour’ na si Arjo.

Tiyak na pag-uusapan nang husto ang Bagman hanggang sa mabuo ang 12 episodes na punum-puno ng drama at aksyon na very timely dahil tiyak na may matatamaan at makukuhang leksyon dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s