Marian, sinurpresa si Dingdong bilang bagong host ng ‘Tadhana’ habang naka-maternity leave

NI: Rose Garcia

TALAGANG naka-maternity leave na nga si Marian Rivera bilang malapit na rin ang kabuwanan niya sa second baby nila ni Dingdong Dantes.

Kahit ang isa sa love na love niyang show, ang Tadhana, naka-on-leave ito at may pa-surprise sa hahalili sa kanya.

Nag-post si Marian sa kanyang Instagram account na, “Shhhh! May bagong tadhana host while I’m on my maternity leave. Can you guess who? To be revealed tonight on #TheDantesSquad!”

Ang Dantes Squad ang pangalan ng You Tube channel ng pamilya Dantes.

At ‘yun na nga, that Sunday night ay ini-reveal na nga nila sa You Tube kung sino ang papalit sa kanya – walang iba kungdi ang kanyang mister na si Dingdong!!!
Sa video ay makikitang sinorpresa ni Marian ang asawa sa taping ng Tadhana para i-welcome ito. Nagpagawa pa siya ng welcome cake at dinala sa studio.

Habang rolling ang camera for Dingdong ay biglang pumasok sa eksena si Marian na may dalang cake at aniya, “surprise!” na ikinagulat naman talaga ng aktor.

Nagpasalamat si Marian sa mister for accepting the show dahil mahal na mahal daw niya ang Tadnana.

“Thank you for accepting this project at alam mong mahal na mahal ko ‘tong project na ‘to,” she said.

Sagot naman ni Dong, “walang anuman, boss!” at nagpasalamat din ang aktor sa Tadhana team for welcoming him.

Dingdong-Dantes-&-Marian-Rivera

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s