Ara, ‘di nagdalawang-isip sa pagkupkop kay Deborah, tatlong taon na sa condo niya

NI: Ruel Mendoza

MAY ginintuang puso talaga si Ara Mina dahil hindi siya nagdalawang-isip  sa pagkupkop sa veteran character actress na si Deborah Sun.

Tatlong taon na palang nakatira sa isang condo unit ni Ara si Deborah simulang mapalayas daw ang aktres sa inuupahan nitong apartment.

Wala raw itong mapuntahan kaya inalok ni Ara na tumira ito sa isang condo unit niya sa Cubao, Quezon City.

“Ang sa akin lang naman, kung sino ang kailangan ng tulong, ibigay natin iyon. Tinutulungan ko naman makabangon si Tita Debs. Kapag may mga nakakasalubong na mga kilala kong E.P. (Executive Producer) ng mga TV shows, sina-suggest ko si Tita Debs.

“Malaki naman ang pinagbago niya at gusto lang niya at magkaroon ng maayos na trabaho.

“Tayo naman sa industriya, dapat nagtutulungan, ‘di ba? Wala namang masama sa tumulong tayo sa kapwa artista natin,” ngiti pa ni Ara na gumaganap na Gina Halili sa indie film na The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.

ara-deborah

Marami nga ang natuwa sa ginawang ito ni Ara kaya naman maraming blessings itong natatanggap.

“Actually, hindi ko naman kinukuwento ‘yan. Ayokong may magsabi na… Alam mo naman ang ibang tao, ‘di ba? Pero si Tita Debs ang nagkukuwento. Nakakatuwa naman na she’s very grateful sa binigay kong tulong sa kanya.

“In fairness naman to Tita Debs, hindi siya abusadang tao. Nagpapadala siya sa akin ng mga text messages thanking me sa lahat ng ginawa ko for her. Ako naman, doon pa lang masaya na ako.

“Kinukumusta ko naman ang lagay niya sa condo. Maliit lang naman ‘yung unit kaya lagi kong sinasabi kay Tita Debs na pagpasensyahan na niya ‘yung space kasi iyon lang ang mao-offer ko sa kanya.

“Pero okey lang si Tita Debs doon. Sobra-sobra na raw ‘yung tulong ko sa kanya na patirahin ko siya roon,” sey ni Ara.

Plano palang ibenta ni Ara ang naturang condo unit, pero dahil sa pagtulong niya kay Deborah, pinagpaliban muna niya ang planong iyon at pinatira roon ang aktres.

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s