Seungri, sangkot sa sunod-sunod na scandals kaya nag-resign at nag-retire na sa music industry

NI: Rose Garcia

HINDI namin maiwasang maalala si Iñigo Pascual sa patong-patong na mga scandals ngayon na kinakaharap ng pinaka-sikat sa grupong BIGBANG na si Seungri.

Parang isang malaking bangungot kay Seungri ang nangyari. Noong January lang ay nasa MOA Arena ito at very overwhelmed si Iñigo na isang sikat na sikat na K-idol ang kumanta ng hit song niya.

Isang buwan lang halos from his concert in Manila, lumabas na ang sunod-sunod na scandal kay Seungri kaugnay ng Burning Sun Club.

Kabilang dito ang pagpo-provide ng escort prostitution to foreign investor, illegal chat room kunsaan, kinukuhanan daw nila ng palihim ang ilang kababaihan at habitual gaming sa ibang bansa.

Bukod kay Seungri, lumabas din na kasangkot sa private chat room ang iba pang idols tulad ni Jung Joon Young na miyembro rin ng season 3 variety show na 1n2d, isa pang idol mula sa boy group na CN Blue at FT Island.

SEUNGRI

Following Seungri’s resignation and retirement from the industry at the age of 28, nagpahayag na rin ng pagre-resign ang iba pang nasangkot.

Isang napakalaking scandal ng nangyaring ito sa South Korea K-pop industry. Marami sa mga k-pop fans ang talagang dismayado. Ilan sa kanila ay nagpapahayag ng galit, lalo na kay Seungri.

Pakiramdam daw nila, naloko at nasayang ang halos sampung taong pag-idolo nila rito. Yung iba naman, gusto na itong makita in jail.

Sa lahat ng ito, dalawang beses na sumailalim sa police investigation si Seungri at ito mismo ang nagsabi na makikipag-cooperate siya sa lahat ng imbestigasyon na gagawin ng pulis.

Sa March 29 nakatakdang pumasok sa military enlistment si Seungri. Nakikiusap itong ma-delay ang pagpasok niya, pero ayon sa Military Recruitment, mukhang imposible raw na i-delay.

(PHOTOS: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s