Bianca at Miguel, labis ang pasasalamat na pinagkakatiwalaan pa rin ang loveteam nila; ‘Sahaya’, ika-11 serye na

NI: Nora V. Calderon

LABIS ang pasasalamat ng magka-love team na Bianca Umali at Miguel Tanfelix, na after ng ten projects na ginawa nila sa GMA Network, sa ika-11 na serye nila, ay sila pa rin ang magka-love team.

Nagsimula silang magtambal in 2011, sa Magic Palayok, nasundan ito ng Paroa, Ang Kwento ni Mariposa, Basang Sisiw, Nino, Wish I May, Ismol Family, Once Upon A Kiss, Mulawin vs. Ravena, Kambal, Karibal, at ngayon sa newest primetime spectacle, ang Sahaya.

Ang Sahaya ay isang inspiring story of a determined and special Badjaw na dumanas ng maraming pagsubok sa buhay, pero nanatili siyang matatag hanggang kilalanin at hangaan ng mga tao sa kanyang mga tagumpay.

Si Bianca ang gumanap na Sahaya, a beautiful Badjaw lady na may extraordinary abilities.  Si Miguel naman ay si Ahmad, ang childhood friend niya na laging nasa tabi niya at minahal siya no matter what.

Bianca and Miguel 4

“Sa ten years na po naming magkakilala at magkatrabaho ni Miguel, nakilala na namin ang isa’t isa, professionally and personally, sabay po kaming lumaki rito,” sabi ni Bianca.

“Kaya po thankful kami dahil kami pa rin ni Miguel ang magkatambal dito sa ‘Sahaya’.  Marami kaming training na ginawa rito kaya lalo po naming in-appreciate ang isa’t isa dahil patuloy kaming nagkakatulungan.”

“Thankful po kami sa big opportunity na patuloy na ipinagkakatiwala sa amin ng GMA,” sabi ni Miguel.

“Masaya po ako na muli kaming magkatambal ni Bianca rito.  As a love team, wala na po kami dapat gawing adjustment dahil natural na lumalabas ang acting na kailangan namin dahil kabisado na namin ang isa’t isa.” Kasama rin sa cast sina Migo Adecer, Eric Quizon, Zoren Legaspi, Mylene Dizon, Snooky Serna, Ana Roces, Ashley Ortega, with the special participation at Jasmin Curtis Smith, Benjamin Alves, Gil Cuerva, at Karl Medina.  Sa direksyon ni Zig Dulay.

(photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s