Arjo, ipinagdiinang ‘worth fighting for’ si Maine sa mga bashers

NI:  Rohn Romulo

INAMIN ni Arjo Atayde na masayang-masaya siya nang aminin na ni Maine Mendoza na totoong nagdi-date sila sa pamamagitan ng blog nito bago ito mag-birthday.

“Masaya po ako. I am very very happy. I am contented,” pahayag ni Arjo sa presscon ng Bagman na mula sa panulat at direksyon ni Shugo Praco at ipapalabas sa iWant sa March 20.

Nilinaw ni Arjo na wala siyang alam sa blog ni Maine, “I think that’s her decision. I didn’t tell her anything.”

Pero kahit na inamin na ito ni nagdi-date sila, hindi pa masasabing mag-on na talaga sila, “We are exclusively dating po. Doon pa lang muna.”

Dagdag pa ni Arjo na kahit marami pa rin ang nangba-bash parang deadma na lang sila, “We are both really happy. I am. I don’t want to speak for her. I am very happy. I think that’s what matters now. With my career, ABS is taking care of me. My personal life is good. My family is fine. I am very happy. Kuntento po ako ngayon.”

maine-arjo2

Obserbasyon ng marami, dahil sa pangyayari, mas open na ba sila na mag-post sa social media?

“Having the freedom of posting doesn’t make us post even more. Kasi for us, I don’t think na basehan po ng relationship ‘yung pag-post ng pag-post.

“We want it private as much as we can. But of course ‘yung sa amin, what you see is what you get na lang,” sabi nang mahusay na aktor.

Napansin din na kayang-kaya niyang harapin ang mga bashers na kung iba baka nag-give up na.

“As I said last time, she’s worth fighting for.  So, deadma na lang siguro, deadma na ako.

“I’m happy nga and contented, tulad ng sinabi ko.  I’m just really happy, and I see her happy, and that’s all that matters to me,”

Inamin din ni Arjo na natakot din siya ng i-meet ang family ni Maine.

“I think every guy will be scared to meet the family.  Nakakatakot kasi dahil malamang babae kasi ang anak nila, but I faced it, I have to and I want to,” sagot pa niya.

Dahil sa pahayag na ito Arjo, mas marami ang humanga sa kanyang pagmamahal kay Maine at nagwi-wish na magtagal sila at patuloy niya itong ipaglaban.

Natanong din si Arjo kung gusto niya makasama ulit si Maine. Una nga silang nagkasama sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

“Of course. I would love to work with her. But for now, huwag po muna,” sabi pa niya.

“At saka na po, when the time is right. But of course I am looking forward to working with her. Definitely.”

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s