Andrew Gan, hinarana ang kanyang mga fans sa concert na “March Fever”

NI: Throy Catan

march fever

PURO tilian ang maririnig mo nang kumanta ang Kapuso star na si Andrew Gan sa concert na pinamagatang March Fever. Nangyari ang nasabing concert nung Linggo, March 10 sa Music Box sa Timog Ave., Quezon City.

Hinarana ang kanyang manonood sa kanyang kantang Your Love na pinasikat ng bandang Alamid. Masuwerte ang isang fan na pinili ni Andrew na makasama sa stage. Kinantahan ni Andrew ang masuwerteng fan na Hinahanap Hanap Kita ng bandang Rivermaya.

Isa siya sa mga cast sa katatapos lang na teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko. Naging parte siya sa fantaseryeng Super Ma’am na pinagbidahan ni Marian Rivera. After Super Ma’am, napapanood din siya sa Kambal, Karibal na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, at iba pa. Si Andrew ngayon ay kabilang sa Viva Artist.

Abangan din ang bago niyang series na ipapalabas sa iWant na Mga Batang Poz at ang bagong pelikula from Viva Films na Cuerpo Y Alma.

Maliban kay Andrew Gan, nakasama rin sa kantahan ang Ivory Records recording artist na si Lester PaulAra Altamira (GMA’s Daddy’s Gurl), singer Maricar Aragon, at Child Song Bird International winner Jennelyn Gagajena. Hindi rin nagpahuli ang dalawang front acts na sina Jazz Rosales and Jose Sarmiento.

March Fever is presented to you by TJC Entertainment Productions. Nagpapasalamat naman ang TJC Entertainment Productions sa mga nag-sponsor: Faye TangonanAbove Aesthetics CenterDental First, Inc.Throycath Travel and Tours AgencyBakes & BrewsRIJ Events and Talents Management, at Frontrow Philippines.

Official media partners are Peoples’s Balita Showbiz and Showbiz News Intrigues.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s