Dingdong, mahilig talaga sa shawarma kaya sa shoot pa lang ay natakam na

NI: Rose Garcia

ANOTHER endorsement na naman nga para sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang sabay na pinirmahan at paglunsad sa kanya sa SM North Annex, ang Persian Avenue.

Bongga si Dingdong dahil talagang mukhang siya lang ang first and only choice ng magkapatid na Arjay at Paolo Lapid. Na noong makita raw nilang hawak pa lang ni Dingdong ang isa sa menu nila, ang beef wrap during their photo shoot, alam nilang branded na ang kanilang business.

Bilib naman si Dingdong sa bagong endorsement na taong 2014 lang nang magsimula pero heto’t meron ng 44 branches sa bansa.

dingdong-persian

Kuwento pa ni Dingdong, dahil mahilig daw talaga siya sa shawarma, natakam daw siya sa shoot pa lang nila kaya yung hawak na supposed to be props sana for the shoot, ni-request na raw niya kung puwede na ba niyang kainin.

Iba rin ang Dantes Squad na silang tatlo nina Marian Rivera at Zia Dantes ay talaga namang may mga kanya-kanyang endorsements.

Na malamang si Zia, sa kabibohan na yun at recently nga lang was named as Asia’s Beautiful Child ng isang Vietnamese website na kung hindi pa siguro nila lilimitahan sa mga endorsement offers e, ‘di rin malayong maging most in-demand child endorser.

Eh heto’t malapit na rin ipanganak ni Marian ang ikalawang baby nila which is a boy.

Dantes-Family

Ang pagle-lessen ng trabaho ang isa sa naging preparasyon nilang mag-asawa sa panganganak ni Marian. Nagpapa-nine nights novena rin daw sila para sa safety ng panganganak nito.

Kaya yung mga bagong projects ni Dingdong tulad ng Korean film adaptation na gagawin niya under VIVA Films, ang A Hard Day ay pagka-panganak pa ni Marian niya sisimulan.

Wala pang binanggit si Dingdong na next teleserye niya sa GMA-7. Pero, kung walang mababago sa dati pa naming naririnig, isa kami sa excited para sa kanya sa next primetime series niya.

(photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s