Maine, balik ‘Eat Bulaga’ na kaya ‘di true na suspended at tinanggal

NI: Rohn Romulo

BALIK Eat Bulaga na si Maine Mendoza noong Tuesday kaya tiyak na ikinatuwa ito ng kanyang fans na ilang araw nang nag-aabang.

At sa muling paglabas ni Maine, matutuldukan na ang haka-hakang suspended o tinanggal na siya sa Eat Bulaga dahil sa ginawa niyang pag-amin sa ‘dating’ na sila ni Arjo Atayde at magkasamang nagbakasyon sa Taiwan noong mismong birthday niya.
Kapansin-pansin naman na wala si Alden Richards, na ilang araw namang present sa EB, hindi kaya mabigyan ito ng bagong isyu na nag-iiwasan sila? (Pero may meeting pala ito sa Star Cinema at pumirma na ng kontrata para sa movie nila ni Kathryn Bernardo na tuloy na tuloy na.)

maine-mendoza-2

Anyway, panalo raw sa rating ang Daddy’s Gurl last Saturday na kung saan nag-guest si Alden sa sitcom nina Vic Sotto at Maine, na posible nga bang huli na nilang pagsasama sa isang show bukod sa Eat Bulaga.

Mukha namang walang nabago sa pakikitungo kay Maine ng mga co-hosts niya sa EB, at kita rin sa kanya na enjoy na enjoy siya pag sa ‘sugod bahay’ segment siya nilalagay.

Balita rin namin na suportado pa rin si Maine ng kanyang mga products na ini-endorse dahil hangang-hanga sila sa katapangan ni Maine na aminin na ang totoo tungkol sa kanila ni Arjo na dalangin namin ay magtagal at maging masaya pa sila sa isa’t-isa.

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s