James, ‘di na nahiyang aminin na nagli-live pa rin sila ni Nadine

NI: Rose Garcia

NOON pa man, iba na talaga ang JaDine among any other popular loveteams.

Sina James Reid at Nadine Lustre ay hindi nagpapadikta sa kung ano ang typical sa isang loveteam.

Sila yung “what you see is what you get” at sila rin yung hindi iko-compromise kung saan sila masaya dahil sa kung ano ang tingin ng iba ay acceptable sa society.

At noon pa rin, alam namin na ang mga tagahanga ng JaDine ay iba sa mga ibang fandom. Tanggap nila kung ano ang trip nila James at Nadine, suportado nila.

Kaya hindi na rin kami nagulat sa ginawang pag-amin ni James sa naging guesting niya sa Gandang Gabi Vice na “live-in” sila ni Nadine.

james-nadine

At pinuri ito ni Vice dahil ganun naman daw talaga ang dalawa, no sugarcoating, as in kung ano lang ang totoo.

Kaya sabi ni James, “Well, yes, we live together and sometimes kasi, araw-araw kayo nagkikita and there’s no space, sometimes, you get too comfortable. But then, there are days na she’s working, super busy, parang ganun and when she gets home, it’s like, yeah, we really miss each other still, kahit isang araw lang.”

Three years na nga silang magka-relasyon, pero hindi raw niya napi-feel na tatlong taon na sila and with Nadine as his longest relationship so far. In fact, kinikilig pa rin daw siya.

Pareho ngang busy ngayon sina James at Nadine. Si Nadine na ipalalabas na ang mukhang promising movie niya from VIVA Films, ang Ulan at si James naman na magiging isa sa judge ng Idol Philippines at ang April 5 concert nila nina Billy Crawford at Sam Concepcion na The Cr3w sa Smart Araneta.

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s