Lester Paul, pinakilig ang mga fans sa show na “March Fever”

NI: Throy Catan

NAPATILI ang mga kababaihan sa performance ng Ivory Records recording artist na si Lester Paul. Hindi na ito nakakataka dahil guwapo at sobrang galing kumanta ni Lester.

Isa kasi si Lester sa mga nag-perform sa show na “March Fever” na ginanap pa nung March 10 sa Music Box sa Timog Ave., Quezon City. Sa akin lang, ito na yata ang pinakabonggang live performance ni Lester na napanood ko kumpara nung napapanood ko siya sa mall shows.

Puro upbeat na mga kanta ang kinakata niya katulad ng Perfect Stranger, Probinsyana, at Rude. Hinaranahan naman ni Lester ang Indonesian DJ-model na si Echa Frauen, at kinanta ang Grow Old with You na pinasikat ng actor na si Adam Sandler.

Few years ago ay pinarangalan siya bilang Male Recording Artist sa Dangal ng Bayan Awards. Last year, nakakasama siya sa mga mall shows ni Tori Garcia na pinamagatang #MayPaTshirtSiAteToriParaSaMgaBata Mall Show. Lumalabas din siya sa mga teleserye katulad ng Asawa Ko, Karibal Ko. Ngayon ay endorser siya ng dental clinic na Estonactoc Dental Care Co., at Apple Peel Facial Care and Spa.

Maliban kay Lester Paul, nakasama rin sa kantahan ang Kapuso star na si Andrew Gan (Asawa Ko, Karibal Ko; Super Ma’am), Ara Altamira (GMA’s Daddy’s Gurl), singer Maricar Aragon, at Child Song Bird International winner Jennelyn Gagajena. Hindi rin nagpahuli ang dalawang front acts na sina Jazz Rosales and Jose Sarmiento.

March Fever is presented to you by TJC Entertainment Productions. Nagpapasalamat naman ang TJC Entertainment Productions sa mga nag-sponsor: Faye TangonanAbove Aesthetics CenterDental First, Inc.Throycath Travel and Tours AgencyBakes & BrewsRIJ Events and Talents Management, at Frontrow Philippines.

Official media partners are Peoples’s Balita Showbiz and Showbiz News Intrigues.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s