Dayanara Torres, hiniwalayan ng fiancé na si Louis D’Esposito, maraming netizens ang nalungkot

NI: Ruel Mendoza

MARAMING netizens ang nalungkot nang kumalat sa social media ang pakikipaghiwalay diumano ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa kanyang fiancé na si Louis D’Esposito na co-president ng Marvel Studios.

Ayon sa isang Argentianian news website, si D’Esposito raw ang nakipaghiwalay kay Yari over the phone. Nataon pa na iyon din ang araw na in-announce ni Yari na na-diagnose siya with skin cancer.

Sa Instagram account ni Yari, nasabi ng Puerto Rican beauty queen na ang kanyang fiancé ang nag-push sa kanya na magpa-checkup dahil concerned ito sa kalusugan niya. Makikita pa raw sa background ni Yari ang photo nila ni Louis na magkasama.

By the time na nalaman ni Yari na hindi pa nag-spread ang cancer cells sa kanyang organs, nagpasalamat ito sa mga nagdasal para sa kanya at magsisimula na siya ng kanyang radiation treatment.

2018 British Academy Britannia Awards presented by Jaguar Land Rover and American Airlines - Inside

Pero maraming netizens ang nakapansin na hindi na raw suot ni Yari sa kanyang ring finger ang engagement ring na bigay ng kanyang fiancé. Nawala na rin daw ang photo frame kunsaan magkasama sila ni Louis.

Ayon sa sources ng naturang website, si Louis nga raw ang nagtapos ng kanilang engagement dahil “too much” daw ang pinagdaranang sakit ni Yari at hindi niya ito kakayanin dahil na rin sa kanyang trabaho with Marvel Studios.

Sa recent post ni Yari, nilagyan niya ito ng post na: “Notice the people who make an effort to stay in your Life…”

Hinihintay na lang ng marami ang confirmation ni Yari kung totoong hiwalay na sila ni Louis.

September 2018 noong I-confirm nila Yari at Louis na sila ay may relasyon at na-engage sila noong November 2018.

(PHOTOS: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s