Ogie, masayang-masaya sa pagkapanalo ni Ina at Graded A pa ang ‘Kuya Wes’

NI: Rose Garcia

HINDI man si Ogie Alcasid ang nanalong Best Actor sa 39th Fantasporto-Oporto International Film Festival in Portugal, instead, ang leading lady niya na si Ina Raymundo para sa pelikula nilang Kuya Wes obvious na masayang-masaya ito para kay Ina at sa movie nila na ipalalabas na sa mga commercial theater simula ngayong March 13.

Wala raw ganung expectations si Ogie nang pumunta ng Portugal.

“Sabi ko, mag-e-enjoy lang ako, kakain, makiki-chika ko sa mga nagpupunta sa festival. I want to learn and nangyari naman yun.”

Sabi pa niya, “Hindi ako nag-e-expect ng ganun. Ang gusto ko lang, magustuhan ng audience yung movie.

“Film yung bida, e, hindi naman ako. And so far, I have not received a bad review from anyone.”

ogie ina

Graded A ng C.E.B. ang Kuya Wes at dun pa lang daw ay sobra na ang kasiyahan niya.

“Na-overwhelm ako,” sey niya.

“Ang laking tulong sa amin. Kami ng Spring Films, hallelujah kami.”

Aminado naman si Ogie na may kaba pa rin siya dahil iba raw talaga kapag regular screening na. But of course, may bentahe na rin sila sa recent recognition na natanggap ng Kuya Wes sa ibang bansa.

(PHOTOS: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s