Jennelyn Gagajena, pinamalas ang galing sa biritan sa concert na “March Fever”

NI: Throy Catan

PASABOG ang pinamalas na performance ng biriterang si Jennelyn Gagajena. Ang natanggap lang naman ni Jennelyn ay papuri at palakpakan mula sa audience nang nag-perform siya sa concert na may pamagat na “March Fever“.

Nangyari ang nasabing concert kagabi, March 10 sa Music Box sa Timog Ave., Quezon City.

Sa first song na “Stand Up For Love” na pinasikat ng Destiny’s Child, todo birit na si Jennelyn. Ito rin ang winning piece niya kung saan naging grand winner siya sa Child Songbird International na ginanap pa sa Chiang Mai, Thailand, at tinalo ang 40 contestants mula sa iba’t ibang bansa.

Lalo naman napa-wow ang mga audience sa kanyang rendition ng “Ikaw Lang ang Mamahalin” na pinasikat ni Joey Albert. Kinanta rin niya ang mga kantang Tagpuan at Tagu-Taguan na pinasikat ni Moira Dela Torre, at Bulong ng December Avenue.

Naging 4-time winner ng Lola’s Playlist: Beat The Champion sa high-rated variety show na Eat Bulaga, three years ago. Lumabas na rin siya sa iba’t ibang TV shows katulad ng Bagong Pilipinas ng PTV 4, at Pambansang Almusal ng Net 25.

Maliban kay Jennelyn, nakasama rin sa kantahan ang Kapuso star na si Andrew Gan (Asawa Ko, Karibal Ko; Super Ma’am), Ara Altamira (GMA’s Daddy’s Gurl), singer Maricar Aragon, at Ivory Records recording artist Lester Paul. Hindi rin nagpahuli ang dalawang front acts na sina Jazz Rosales and Jose Sarmiento.

March Fever is presented to you by TJC Entertainment Productions. Nagpapasalamat naman ang TJC Entertainment Productions sa mga nag-sponsor: Faye TangonanAbove Aesthetics CenterDental First, Inc.Throycath Travel and Tours Agency, Bakes & BrewsRIJ Events and Talents Management, at Frontrow Philippines.

Official media partners are Peoples’s Balita Showbiz and Showbiz News Intrigues.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay Jennelyn Gagajena, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s