Dingdong, handang-handa na pagsisilang ni Marian sa ikalawa nilang anak; Zia, kasama sa list ng ‘most beautiful celebrity kids’

NI:  Rohn Romulo

SARAP na sarap si Dingdong Dantes sa pagkagat ng beef wrap na main product ng bago niyang ini-endorse na Persian Avenue na 44 stores na buong bansa kasama ang branch sa NAIA.

Paano naman kasi bukod na napakasarap na pita bread, gawa sa 100% sirloin beef ang laman na may kasamang fresh cucumber, lettuce, tomatoes and onions na nilagyan ng family garlic sauce secret recipe at hot sauce.

Masarap din ang chicken pesto wrap with cheese at chicken breast marinated in pesto sauce with cheese, lettuce, garlic sauce and hot sauce.

At para sa mahilig sa rice, rekomendado ni Dong ang rice meals ng Persian Avenue tulad ng ground beef soltani, chicken kebab, pork kebab, shrimp kebab, grilled chicken na nasubukan din namin at ang spicy chicken wings.

marian-rivera-dingdong-dantes

In-introduce din sa launch nang pagiging endorser ni Dong, nagustuhan namin ang cheesy pita at mayroon din pala sa overloaded wrap na gusto naming balikan.

Sobrang happy ni Dingdong na after niyang mag-endorse ng donuts, ito naman ang pwede niyang dalhin at ipatikim sa kanyang mag-ina na sina Marian Rivera at Zia Dantes.

And speaking of Zia, nakasama ang anak nila sa listahan ng Vietnamese website sa ‘most beautiful kids’ ng Asian celebrities.

Ilang ulit nang napasama si Marian sa most beautifiul list at heto ang anak naman nila.

“Mabuti na lang mana sa ina,” natatawang sagot ni Dong.

“Actually, ngayon ko lang din nalaman.  Pero sa tingin ko, hindi pa naman kailangan sabihin kay Zia ang ganun.

“Kailangan lang niyang malaman na kung paan siya mas maging mabait, lalo na sa paparating niyang kapatid.

“Excited na rin naman, tinutulungan na niya kaming pag-aayos ng kuwarto.”

zia dantes3

Nagbawas din ng trabaho si Dingdong bilang paghahanda sa panganganak ni Marian na malamang sa buwan ng Abril, kailangan daw palagi siyang nasa tabi ng asawa sa oras ng biglang pagsilang.

Hindi rin makakapagbakasyon sa Holy Week, kaya nasa bahay lang sila, na hopefully naisilang na Marian ang kanilang baby boy na pinagpipilian pa rin hanggang ngayon ang name nito, na posible rin maging Jose Sixto IV.

“Iba-iba, pero parang same lang, iba lang dahil second, hindi ko naman masasabi na mas higit ang excitement dun kay Zia, ibang klase lang ang excitement,” tugon niya sa pagdating ng ikawalang anak.

Dagdag pa ni Daddy Dong, “bagong daddy ako sa isa, bagong daddy ako sa dalawa, so, everything is new.”

Konti lang daw ang binili nila ni Marian, mas naging practical daw sila ngayon.  Nagpapasalamat nga sila sa nagbigay ng baby shower dahil yung mga bagay na dapat niyang bibilhin ay binigay na ng mga kaibigan nila.

After na makapanganak ni Marian, magsisimula na si Dong na mang-shooting ng action/suspense/dark comedy film na adaptation mula sa Korea na mula sa Viva Films at sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

“Mag-uumpisa na kami soon, nakapag-photo shoot na kami ng poster noong isang araw.

“After Marian gaves birth, mag-i-start na kami.  Kailangan kasi lahat nang oras ko ngayon nasa bahay ako, dahil any moment manganganak na siya.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s