Benjamin, iwas pa ring magsalita sa paghihiwalay nila ni Julie Anne; sobrang lungkot sa pagkawala ng ama

NI: Rose Garcia

PAGKATAPOS ng ilang buwan na rin nang biglaang bawian ng buhay ang ama ni Benjamin Alves, nakausap namin ang Kapuso actor.

Alam nito na sa pinatawag lang na press conference ng kanyang manager na si Jonas Gaffud nagkaroon ng chance na makamusta siya ng ilang press,

Bakas sa mukha no Benjamin na hindi pa rin talaga ito fully recovered for the untimely demised of his dad. Pero kung siya raw ay nahihirapan din na mag-cope-up, how much more pa raw ang mommy niya na nasa Guam nga.

Ang pinaka-mahirap para kay Benjamin ay ang hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang ama before ito mamatay.

Atake sa puso ang nangyari at fatal agad. Nasa Guam ang Daddy niya habang siya ay kasalukuyang nagte-taping.

julie-anne-san-jose

Nag-launch si Benjamin ng visual poetry, ang poem na ginawa niya for his Dad na ayon dito, hindi naging madali para sa kanyang gawin dahil sa pagka-miss niya rito.

Ang title ng visual poetry ni Ben ay “Mga Nais Kong Sabihin Ngunit ‘Di Ko Nasabi.” Natuwa naman daw ang Mommy niya nang marinig at makita ito, feeling niya raw, through him, his Dad was able to spoke to his Mom.

Hindi man aminin o ayaw man magsalita ni Ben tungkol sa break-up nila ni Julie Anne San Jose, pero feeling namin, mas naka-aggravate ito sa loneliness na meron ang Kapuso actor.

Iwas pa si Ben na magsalita tungkol dito pero kasama si Ben sa bagong primetime series ng GMA-7 ng Sahaya kaya baka naman maging open na ito.

(PHOTOS: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s