Bea at Direk Mikhail, aminado na may makakaibang naramdaman habang kinukunan ang ‘Eerie’, mga multo na-frustrate

NI:  Rohn Romulo

INAMIN ni Direk Mikhail Red na may kakaiba talaga silang naramdaman habang kinukunan ang Eerie na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ms. Charo Santos sa isang lumang seminaryo.

Sa pagkukuwento ni direk Mik, “eerie talaga nangyari on set. Very creepy naman talaga ‘yung location namin na seminary. Doon kami natutulog ilang days na rin. Rural na lugar, isolated at kami lang ang tao.

“Gabi na ‘to, may shot na roon na very precise na kailangan may timing na ipu-push ‘yung dolly and then mari-reveal ‘yung isang character tapos pumasok siya sa frame.

“Gabi na paulit-ulit hindi namin ma-timingan, papasok ‘yung kamera, ‘yung aktor nami-miss ‘yung mark. So ang ginagawa namin, cue pumapalakpak ako, 1, 2 and 3 clap tapos papasok ‘yung actor, hindi namin makuha parang take 9 or 10 na at midnight na.

eerie cast

“Pagod na kaming lahat, tahimik na lahat wala na kaming energy kaya sabi ko, sige, let’s do it one more time, roll! Siyempre pagod na ako, na-miss ko ‘yung mark, hindi ako nakapag-clap ‘pag roll ng camera biglang may nag-clap on his own, pasok ‘yung aktor perfect take sabi ng lahat. “Pumalakpak lahat, pati ‘yung AD (assistant director) sabi niya, ‘perfect take, good take.’ Tapos sabi ko, ‘guys hindi ako ‘yung nag-cue niyon’ tapos lahat kinilabutan. Kaya naging joke na lang namin na, ‘na-frustrate na ‘yung mga multo rito kaya sila na ‘yung gumawa para magawa natin ‘yung shot.’”

Napasigaw talaga ang mga nakapanood sa first 10-minute ng movie na ipinanood sa media launch sa ginanap sa theater ng  ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma, bukod sa trailer ng movie, na siguradong mapapatili talaga ang manonood sa March 27 sa mga sinehan nationwide, handog ito ng MediaEast, Cre8, at Star Cinema

Matindi rin ang naramdaman ni Bea sa first horror film na Eerie lalo na sa eksena na naglalakad sa isang madilim na lugar para pasukin ang nakasarang pintuan na biglang bumukas.

“’Yung nakita n’yo sa trailer na mga scene na may flashlights. Sa totoong buhay kasi naglagay lang sila ng ibang ilaw sa flashlight wala ng ibang source of light sa mga eksena.

“So imagine, hawak ko ‘yung flashlight sobrang pitch black ‘yung daraanan ko, tapos ‘yung eksena kailangang bubuksan ko ‘yung pinto tapos may hahanapin ako, eh, takot na takot ako kasi baka bago pa ako makarating sa pinto na ‘yun na nakasara, bago pa ako nakarating biglang nagbukas ‘yung pinto on its own, so talagang hindi ko talaga kinaya, ayoko nang gawin,” pahayag pa ng aktres na usap-usapan rin ang kanyang pinaghirapang beach body ready na kitang-kita sa sexy two-piece photo na kuha ng magbakasyon sa Palawan.

bea-alonzo-bikini

“Nakakatawa kasi ginawang big deal ng mga tao ‘yung simpleng post ko na iyon. Nakakatuwa na ‘yung mga reactions ay positibo,” lahad pa ni Bea.

“It’s about being comfortable in your own body, in your own skin. I also promote ‘yung body positivity and to do it right, not to cut corners,” dagdag pa niya.

Inamin din ni Bea na marami siyang insecurities noong bata pa siya lalo sa kanyang katawan at ito ang dahilan kaya gusto niyang ma-inspire ang younger generation.

“Gusto ko i-promote na kahit na anong shape, kahit anong klase ang pangangatawan niyo, you have to be proud of it. Sana hindi mag-spark ito ng insecurity sa ibang mga tao,” sabi ni Bea.

“Kasi ako I suffered from that growing up kasi I was tagged as fat. Nag-suffer ako doon. Malaki ang ibinago nun sa personalidad ko. So ngayon, parang it’s time to give. Now na I know better, gusto ko maging ehemplo sa mga kabataan who’s going through the same thing.”

(photos:  #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s