Jazz Rosales at Jose Sarmiento, front act sa sa concert na ‘March Fever’ na gaganapin sa Music Box sa March 10

NI: Throy Catan

march fever

MAY bagong aabangan this Sunday dahil makikilala niyo na ang dalawang baguhang papasok sa mundo ng showbiz: Sina Jazz Rosales at Jose Sarmiento.

Sila ang front act sa upcoming concert na pinoroduce ng TJC Entertainment Productions na may pamagat na “March Fever“. Siguradong kikiligin ang mga manonood dahil sa kanilang kaguwapuhan at angking galing sa sing and dance.

Ang nasabing concert ay gaganapin sa March 10, Linggo sa Music Box sa Timog Ave., Quezon City.

Isa rin sa mga magper-perform ay sina Kapuso star Andrew Gan (Asawa Ko, Karibal Ko; Super Ma’am), actress-singer  Ara Altamira (Daddy’s Gurl), Ivory Records recording artist Lester Paul, grand winner Child Songbird International Jennelyn Gagajena, at ang recording artist na si Maricar Aragon.

Jazz Rosales

Baguhan pa lang sa showbiz si Jazz Rosales pero endorser na siya sa mga kilalang brand katulad ng Snap Fitness, at Dental First. Lumalabas na rin siya sa mga commercials katulad ng H&H Makeover Salon kasama si Vice Ganda.

Kahit na busy sa pagiging barista, gusto pa rin sumabak sa mundo ng showbiz dahil passion niya talaga ang magtanghal sa harap ng maraming tao.

Graduated na si Jazz sa kursong BS Tourism sa Far Eastern University.

 

Jose Sarmiento

Matatawag nga siyang social media influencer dahil sa dami ng mga nagfa-follow sa kanya sa social media. Umabot sa mahigit 4,000 followers sa Instagram at 83,356 followers naman sa kanyang Facebook page.

Dahil dito ay palagi siyang kinukuha sa mga events at sa mall shows lalo na outside Metro Manila. Magaling din na mang-aawit at modelo.

Pinagsasabay din niya ang pag-aaral at pagpe-perform. Kasalukuyan ngayong nag-aaral sa Manila Tytana Colleges sa kursong BS Tourism.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s