Abangan ang live performance nina Ara, Jennelyn, at Maricar sa “March Fever” na gaganapin sa March 10 sa Music Box

NI: Throy Catan

march fever

SIGURADONG magiging big hit ang concert na pinamagatang “March Fever“. Tingnan mo naman, ang mga performers ay isa sa mga magagaling sa showbiz industry. Lalo na ang biritera na si Jennelyn Gagajena, ang sweet but sexy na singer-actress na si Ara Altamira, at ang total performer na si Maricar Aragon.

Ang nasabing concert ay gaganapin sa March 10, Linggo sa Music Box sa Timog Ave., Quezon City.

Isa rin sa mga magper-perform ay sina Kapuso star Andrew Gan (Asawa Ko, Karibal Ko; Super Ma’am), Ivory Records recording artist Lester Paul, at ang dalawang front acts na sina Jazz Rosales and Jose Sarmiento.

Ara Altamira

Ngayong taon, ang dami nang mga shows ni Ara from Kapamilya at Kapuso networks. Isa siya sa mga cast ng Kapuso show na Daddy’s Gurl na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza. Ang papel niya sa show ay co-worker ni Maine na si Chloe.

Lumalabas din siya sa Kapamilya show na Ipaglaban Mo, at may dalawang upcoming movies from Regal Films na Papa Pogi na pinagbibidahan ni Ted Corpuz at Stranded na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde.

Last year, ang mga unang acting projects niya Pusong Ligaw, Maalaala Mo Kaya, Asintado, Wagas, at The Blood Sisters. A few years ago, napasama siya sa top 15 ng Miss Popular DJ Hunt sa Indonesia, at may cameo role sa Indonesian film na Takut Kawin.

Jennelyn Gagajena

Kasama rin sa March Fever ang biriterang si Jennelyn Gagajena. Kung matatandaan niyo, ginulat niya ang mga manonood nang bumirit siya sa kantang My Heart Will Go On at Malaya nung nag-perform siya sa concert na pinamagatang The Voices of July na ginanap sa Music Box sa Timog last year.

Naging 4-time winner ng Lola’s Playlist: Beat The Champion sa high-rated variety show na Eat Bulaga, three years ago. Naging grand winner siya sa Child Songbird International na ginanap pa sa Chiang Mai, Thailand, at tinalo ang 40 contestants mula sa iba’t ibang bansa.

Lumabas na rin siya sa iba’t ibang TV shows katulad ng Bagong Pilipinas ng PTV 4, at Pambansang Almusal ng Net 25.

Maricar Aragon

Ni-release ng recording artist na si Maricar Aragon ang kauna-unahang album na may pamagat na Everything You Are. May 7 songs sa loob ng album at isa sa mga kanta ay ang Even it Takes Forever, 925, Everything You Are, Jesus, Palimos Po, Tumata-Loves, at ang latest single na Lumulutang sa Ere. Ang kantang Lumulutang ay kinompos ni Jessie G. Reyes.

Ang kantang Everything You Are ay kasama rin sa #SeryosoPoKamiAlbumCD collaboration published by Side Projects Productions in partnership with Erasmostar Talents and Entertainment Management. Available ngayon ang CD sa RJ Guitar Center sa lahat ng SM branches nationwide. Available din na i-download sa mahigit 200 digital stores worldwide.

Ginawaran si Maricar  ng Gawad Pilipino: Music and Youth Special Awards 2018 nung Hulyo 2018.

Lumalabas din siya sa mga shows sa iba’t ibang network katulad ng Net 25’s Pambansang Almusal, PTV 4’s Good Morning Pilipinas, My Dream Angel, Story of LoveDakila Ka Aking Ina, at PTV 4’s Bagong Pilipinas.

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s