Maine, maraming pinabilib sa pagiging tapat at totoo sa pag-aming ‘dating’ nga sila ni Arjo

NI: Rose Garcia

BINIGYAN agad ng malisya ng mga nakakita ng picture nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa airport ng Taiwan.

Spotted sina Maine at Arjo sa Taiwan noong Linggo, actual na birthday ni Maine.

Nakakaloka ang mga ibinibintang kay Maine dahil lang sa picture na yun. Nandiyang malandi raw ito. Bina-bash din ang phenomenal star dahil bakit daw sumama kay Arjo papuntang ibang bansa na sila lang dalawa.

Hindi na nila inalam kung yung dalawa lang nga ba ang magkasama o may iba pa? So yun na nga, bukod kina Årjo at Maine, kasama pa nila ang ibang mga kaibigan. Eh, anim pala ang mga ito na nagpunta ng Taiwan.

maine arjo-ss

Puro wrong information ang lumalabas.

Bakit kaya hindi mag-stick sa right info na si Maine na mismo ang nagsulat sa blog niya. Bakit hindi tanggapin ang pagiging honest nito, instead sa gusto nila ang paniwalaan?

Actually, ang daming bumilib kay Maine sa pagiging totoo at tapat nito. Tulad din noong unang mag-blog si Maine noong 2017 na una niyang ipinaunawa sa mga fans nila ni Alden na wala silang romantic relationship, pero mabuting magkaibigan at co-actors.

Ipinaalala ito ni Maine sa bagong blog entry niya na noon pa ay nilinaw na niya ang status nila ni Alden, kasabay ang pag-amin na “dating” nga sila ni Arjo.

Yun lang, hati ang naging pagtanggap ng mga fans. Marami ang nagagalit, nagsasabing ibo-boycott na nila si Maine along with her endorsements and projects. Pero marami rin kaming nababasa na nagpapa-abot ng suporta rito at tanggap kung saan siya masaya.

maine-arjo2

Kahit si Alden, nagparating ng mensahe noong birthday ni Maine na masaya siya sa kung ano ang meron si Maine ngayon.

Sana ay matanggap ng mga fan na magkaiba ang personal at trabaho ng isang iniidolong artista. Na ang totoong fan ay masaya kung saan totoong masaya ang idolo nila.

Sana by this time, maging daan na ito para mas maging malaya rin sina Maine at Alden sa pang-personal at propesyunal nilang mga ginagawa. Feeling nga namin, kung tatanggapin ng mga fan ang totoong estado ng pagiging mabuting magkaibigan nina Maine at Alden, baka mas marami pang pagsamahan ang dalawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s