Carlo, muling nakatanggap ng mixed comments dahil sa cryptic post; pinatatamaan daw si Angelica

NI:  Ruel Mendoza

MULING nakatanggap ng mixed comments ang  Kapamilya actor na si Carlo Aquino dahil sa cryptic post niya sa social media kamakailan.

Kelan lang ay pinutakti ng batikos si Carlo dahil sa pagsalita nito tungkol sa kanyang nababalitang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.

Hindi nagustuhan ng fans nila ni Angelica Panganiban na CarGel ang paraan nang pagsagot nito sa question kung sino nga ba si Trina sa buhay niya?

Pakiramdam ng CarGel fans ay ginamit lang ni Carlo si Angelica at pinaglaruan ang feelings nito para muling magising ang natutulog na career nito. Noong maging okey na siya ulit ay ginulat na lang niya ang marami sa paglitaw ng non-showbiz girlfriend niya.

Nito lang ay nag-post si Carlo ng isang cryptic message na hango sa InspiringAndPositiveQuotes.

“Maturity is when you keep your mouth shut when you want to say something mean to someone. Only people at peace with themselves can do this.”

angel-carlo

Nag-assume ang CarGel fans na pinatatamaan ni Carlo ay si Angelica na kilala ng lahat na ma-emote pagdating sa pag-post ng mga hugot nito sa social media.

Heto ang ilang reaction sa post ni Carlo:   “So anong tingin mo ke angge? Walang peace of mind? Well tama ka naman.”

“Nakakalungkot na ganito humantong ang cargel. Napakalakas ang loveteam na ito. Siguro hindi talaga sila para sa isat isa…”

“Hahahahaha…. patama kay Angie. Non-stop satsat kasi yong isa….”

“Sa palagay ko walang intention si Carlo na manumbalik, nagpopromote lang yung tao kaya naki ride sa pakilig. Kaya after the movie, matamlay na.”

“Omg, he is obviously tired of her drama. Serves her right. She is too needy.”

“Angge should stop it and learn from the previous relationship. It became ugly online di ba. Wag ganun, they should just talk in private.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s