Muling pagkikita nina Benjamin at Julie Anne, aabangan kung magbabatian after ng kanilang ‘bad break-up’

NI: Ruel Mendoza

MARAMI ang nag-aabang kung magbabatian ba ang mag-ex na sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose kapag nagsimula na ang promotion ng teleserye na Sahaya.

Kasama sa cast ng Sahaya si Benjamin at bida rito sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Magkakaroon ng big promotion ang Sahaya sa Sunday noontime show na Sunday Pinasaya kunsaan mainstay ang BiGuel loveteam at si Julie Anne.

Magpo-promote din daw ang Sahaya sa Studio 7 kunsaan nandoon din si Julie.

benjamin-alves,-julie-anne-san-jose

Ayon sa aming source, simula raw na noong mag-break ang dalawa noong November 2018 ay hindi na raw sila nagkausap at nagkita na. Nanggaling na rin sa bibig ni Julie na hindi sila friends ni Benjamin.

“Bad breakup” kung i-describe ng source namin ang naganap sa pagitan nila Benjamin at Julie.

Naging masyado raw personal ang lahat kaya nabale-wala ang higit na dalawang taon na relasyon nila.

In-unfollow nila Benjamin at Julie ang bawa’t isa sa Instagram at biglang nagkaroon ng bagong image si Julie na mas sexy at daring na siya sa mga pino-post niya sa social media.

“I’m really, really focused pagdating sa mga bagay-bagay when it comes to my work, my craft, bettering myself my music. ‘Yun ‘yung important for me this year,” diin pa ni Julie.

Samantalang si Benjamin ay unti-unti nang nagpaparamdam sa maraming followers niya sa IG. Hindi na blangko ang kanyang IG account at nagbalik na siya ng ilang mga photos. Pero kapansin-pansin na wala na ang maraming photos nila ni Julie na magkasama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s