Edgar Allan, itinanggi na may kinalaman si Shaira Mae sa paglipat ng management

NI:  Ricky Calderon

AFTER a long while ay muli naming nakausap si Edgar Allan Guzman sa presscon ng bago niyang show sa GMA 7 titled Dragon Lady kung saan bida sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.

This was our first encounter namin with Edgar mula nang maghiwalay sila ng landas ni Noel Ferrer, his talent manager for ten years.

We didn’t imagine na there will come a time na maghihiwalay sila ng landas. We thought solid na solid na ang kanilang samahan at wala nang pwedeng tumibag dito.

Pero as the song goes, some good things never last. After 10 years, tapos na ang samahan nina EA at Noel bilang magkatuwang sa career.

Ayon kay EA, maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay ni Noel. Itinanggi rin niya na may kinalaman ang girlfriend niya na si Shaira Mae sa paghihiwalay nila ng landas ng kanyang dating manager.

edgar shaira

Hindi rin totoo na si Shaira ang dahilan kung bakit si Arnold Vegafria ang pinili niya para maging manager.

Tatlong talent managers muna raw ang kanyang kinausap. Pinag-aralan daw muna niya ang offer ng bawat manager kung paano patatakbuhin ang kanyang career.

Among the three, pinakamaganda raw ang offer ni Arnold. Kasama rito ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA Artist Center. Kaya officially Kapuso na raw siya.

Kung gusto lang niya na magkaroon ng co-management deal with GMA Artist Center, pwede naman itong gawin ni EA without having to severe his ties with his former manager.

Pero siguro nga ay magkaiba ang direction ng career na hatag ni Noel F kumpara sa gustong mangyari ni EA sa kanyang career.

To be fair kay Noel, nang malaman namin na binitiwan na niya si EA, ay hindi siya nagsalita kung ano ang dahilan kung bakit sila nag-part ways ng dating alaga.

To be fair kay Noel, some of the best movies and best projects ni EA tulad ng award-winning roles niya sa Ligo na U, Lapit Na Me at Deadma Walking happened during his watch.

We love EA as an actor and we will continue to support him kasi naniniwala kami na isa siyang mahusay na actor. We hope na he continues to get good projects para matupad na rin niya ang dream niya na makapagpatayo ng bahay para sa kanyang mommy.

We wish him good luck under ALV’s management at bilang official Kapuso artist.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s