Ed Sheeran at fiancée na si Cherry Seaborn, nagkaroon ng secret winter wedding last December

NI: Ruel Mendoza

KINASAL na pala ang British singer na si Ed Sheeran sa kanyang fiancée na si Cherry Seaborn.

Noong December 2018 naganap ang secret winter wedding ng dalawa. Ayon sa The Sun, very intimate daw ang wedding nila with only 40 guests.

“It was very quiet – just Ed’s oldest school pals, limited family and the priest. He wanted no fuss and he wanted it to be something entirely for them – just a tiny winter wedding … Neither of them were that fussed about making a big deal about it.”

edsheeran-cherryseaborn

Pero may pinaplano raw na mas malaking wedding ang dalawa na magaganap sa summer season.

More than three years ding nagde-date sina Ed at Cherry bago sila na-engage at kinasal. Pero nakilala na raw ng singer si Cherry noong 11-years old pa lang ito.

Nagsimula silang mag-date noong 2015 noong muli silang magkita sa Rhode Island para sa isang 4th of July party. Party iyon sa bahay ng kaibigan ni Ed na si Taylor Swift.

Nakapagsalita si Ed na he will take a year off sa pag-perform para maasikaso ang kanyang binubuong pamilya. Sa pagbalik niya in 2020, may bago siyang album na ire-release.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s