Yul, gabay pa rin hanggang ngayon ang bilin ni Direk Maryo na huwag mangurakot

NI: Ricky Calderon

MASAYA ang get together ni Congressman Yul Servo para sa mga friends niya sa entertainment press na ginanap noong Lunes sa Limbaga Restaurant.

Birthday celebration na rin yun ni Yul who decided to touch base with his press friends. Update na rin iyon for his activities, lalo na he is running for a second term bilang congressman sa Third District ng Manila.

Ayon kay Yul, maganda naman ang resulta ng kanyang desisyon na pumasok sa politics. After niya magsilbi for 9 years bilang konsehal ay naisipan naman niyang tumakbo bilang congressman sa kanyang distrito at pinalad naman siyang magwagi.

Marami siyang nagawang projects para sa kanyang mga constituents. Bukod sa free medical and dental services, nagpagawa rin siya ng mga day care centers at basketball courts sa iba’t-ibang lugar sa kanyang distrito.

Pero bago siya tumakbong congressman ay pinag-aralan muna niyang mabuti ang trabaho ng isang kongresista. In between his job sa Kongreso ay nakagawa rin siya ng TV shows at ilang pelikula.

Sa pagpapatuloy niya sa kanyang career bilang congressman, laging gabay ni Yul ang bilin ng kanyang yumaong manager at tatay-tatayan sa showbiz na si Direk Maryo J. Delos Reyes – na huwag siyang mangurakot.

Tutol kasi ang yumaong mentor ni Yul sa pagpasok niya sa politika. Tatlong beses siyang nagpaalam rito na gusto niyang tumakbong konsehal ng Maynila pero ayaw siyang payagan nito.

When Direk Maryo finally said yes, ang bilin nito sa kanya ay huwag siyang mangurakot. At alagaan niya ang kanyang pangalan, kung paano inalagaan ni Direk Maryo J. ang career ni Yul sa showbiz.

Hindi naman binigo ni Yul ang pangako niya kay Direk Maryo.

Sa kanyang pagtakbo for his second term, dala ni Yul ang kanyang magandang record at accomplishment bilang congressman. At naniniwala siya na magandang pundasyon ito para muli siyang pagkatiwalaan at iboto ng mga tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s