Kris, naawa at hangang-hanga sa pagiging professional ni Thea; never nagreklamo kahit nagkapasa-pasa

NI: Nora V. Calderon

GRAND finale na ng sinusubaybayang top-rating Afternoon Prime drama series na Asawa Ko, Karibal Ko na nagtatampok kina Kris Bernal, Rayver Cruz at Thea Tolentino.

First time nakasama ni Kris sina Rayver at Thea.  Si Rayver ay ito ang first teleserye sa GMA Network matapos niyang lumipat sa kabilang network.  At si Thea naman, ngayon nga lamang niya nakasama kahit matagal na rin itong nasa GMA.

“Love triangle kaming tatlo sa serye,” sabi ni Kris.

“At ang dami ngang nangyari dahil kami ni Gavin (Rayver) ang mag-sweetheart, pero dati rin silang may relasyon ni Venus (Thea) noong nasa States sila.  Nang mag-break sila at umuwi si Rayver dito, naging kami, bumalik din si Venus dito at iyon ginawa niya ang lahat para maagaw sa akin ni Gavin.  Kaya naman grabe pisikalan namin ni Thea tuwing magkikita kami.

“Naaawa na ako kay Thea dahil mahirap talaga ang role niya lalo na at lagi siyang naka-5 inch heels para mas matangkad siya sa akin. 

Asawa-Ko-Karibal-Ko

“Pero bilib ako sa professionalism ni Thea, wala siyang reklamo kahit after ng catfight namin, mayroon din siyang pasa, hindi kasi maiwasan kung minsan na masugatan din siya kapag intense ang eksena namin.  Hirap din siya sa mahabang hair extension na gamit niya na kung minsan ay nahihila ko talaga kaya masakit iyon.” Nagkaroon nga raw ng attachment si Kris sa mga kasama nila sa serye, isa rito so Lotlot de Leon na ilang beses na rin niyang nakasama sa previous serye niya.  At si Rayver?

“Ganoon pala kahusay at kabait si Rayver.  Napakakalog din niya pero kapag ang eksena ay dapat seryoso na siya, napakaseryoso niya at napakahusay niyang gampanan ang character niya. 

“Bago ko man silang nakasama, madaling gumaan ang sarili ko sa kanilang lahat.  Happy set nga kami kapag may taping.  Kaya silang lahat, mami-miss ko.”

“Kaya ipinaabot na namin ang pasasalamat sa inyong lahat.  Kita-kita po tayo sa finale ng ‘Asawa Ko, Karibal Ko’, after po ng ‘Eat Bulaga’.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s