Daniel, binigyan linaw na ang isyu dahil ‘di totong naghiwalay sila ni Kathryn

NI:  Rose Garcia

NATUWA at nakahinga na ang KathNiel fans ang paglilinaw ni Daniel Padilla ng issue ng hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.

Na-interview si Daniel sa premiere night ng Familia Blondina na pinagbibidahan ng kanyang inang si Karla Estrada at sinagot na nga niya ang break-up issue.

“Pwede ba, itigil n’yo na ‘tong kagaguhan na ‘tong hiwalay na kami?” sey ni Daniel sa mga lumabas na video.

Idinadaan lahat sa biro ang tanong sa kanya ng press. Kung totoong split na sila, we don’t think na ganito kasaya ang magiging aura ng aktor.

Sabi pa niya, “mukha bang hiwalay na kami? Mukha ba?”

kathryn-daniel

Sinagot naman siya ng mga nag-iinterview na ito ay dahil nakikita silang hindi magkasama lately sa mga events at may issue pa ng “unfollow” sa Instagram.

Natawa na naman si Daniel na parang ang dating sa kanya talaga ay kalokohan lang ang ginagawang break-up issue sa kanila.

“Ayos lang kami,” sabi ni Daniel.

Kaya naman happy na ngayon ang KathNiel fans na at least ay galing na kay Daniel mismo na hindi sila hiwalay. Ito lang naman ang hinihintay nila, ang kumpirmasyon mula sa aktor since siya nga ang lalaki.

Komento ng KathNiel fans, at least daw ngayon ay nakahinga na sila nang maluwag. Mas nakumpirma pa raw nilang “all’s well” sa dalawa dahil sa pagdating ni Kathryn sa premiere night.

Nag-effort talaga itong humabol.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s