Barbie, sure na pagdating sa lalaki ay ‘di nila magiging isyu ni Mika

NI:  Rose Garcia

NAPAAGA ang paglabas nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz bilang sina Kara at Mia sa GMA-7’s primetime series na Kara Mia.

Dapat ay sa Lunes pa sila muling ipapakita, pero noong Miyerkules ng gabi ay lumabas na ang mga ito.

As in, may demand ang manonood na makita na sina Kara at Mia. May sabik factor na mapanood ang dalawa na nasa isang katawan pero dalawang mukha.

Yung dapat ay sa Monday pa sana sila lalabas, kagabi ay nagpakita na at ngayong gabi, ang mga leading men nila na sina Jak Roberto at Paul Salas bilang sina Boni at Chino naman na ang magsisimulang mapanood.

Paul Salas, Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Jak Roberto 4

Nakatulong din daw na sa hirap ng pag-e-execute nina Barbie at Mika sa mga eksena na “beshy” na ang status ng friendship nila na nagsimula pa sa Meant to Be.

Parehong may mga ka-dyowaan in real-life sina Barbie at Mika. Si Barbie ang ka-loveteam niya sa Kara Mia na si Jak at si Mika naman na si Nash Aguas.

Sure raw si Barbie na pagdating sa lalaki ay ‘di nila magiging isyu.

“Malinaw naman sa amin yun, Ha ha ha! At saka, kapag regional tours namin magkasama kami sa kuwarto pero hindi namin alam kung nakaka-ilang good night na kami dahil kapag may naisip kami, pinagkukuwentuhan namin hanggang sa ‘di na kami natutulog.”

Napagkukuwentuhan nila ay mga boys nila?

“Bukod dun! Marami pa naman kaming napagkukuwentuhan. Mukha ba ‘kong babaeng humaharot? Wala ba akong substance? Ha ha ha!,” birong hirit niya.

Aminado naman si Barbie na masaya na kasama ang boyfriend sa taping. Pero, sa trabaho, trabaho raw silang talaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s