Maine at Arjo, sweet na sweet at magkayakap sa lumabas na bagong photo; may nag-isip na photoshopped lang

NI:  Rohn Romulo

MAY lumabas na naman na photo na magkasama sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na sweet na sweet at magkayakap.

Pinagtatalunan ng netizens ang screengrab na mula sa Facebook post ng isang Gil Quilong na sinasabing private account daw ni Maine, kung real ba ito o talagang photoshopped lang.

At dahil private account daw ito ni Menggay, malamang na totoo raw ang picture na pinost ni Yaya Dub. At may nagsasabi naman na fake ito dahil si Alden Richards daw talaga ang kasama ni Maine at hindi si Arjo.

maine arjo-ss

Kaya naman naghahamon ang netizens na ilabas na lang ang original photo na ipinagpipilitan nila.

May nagsabi rin na baka naman ang photographer na si Mark Nicdao ang kasama talaga ni Maine at pinalitan lang ng ulo ni Arjo.

Comment ng isang matapang na na fan, “Huuuuy!!! Aldub fan ako, pero naman gising na gising ako. Sinasampal na kayo ng mga pictures at katotohanang may something na si menggay malunggay at arjo, anu’t nasa wonderland pa rin kayo?? Anung meron at indenial pa rin kayo? My gosh. Tapos sisisihin nyo mga taong nagmamahalan. Nakakaawa na kayo sa totoo lang.”

Sinagot naman ng isang netizen ang comment na pag masaya raw ang maichard ay laging may ipo-post para ganyan.

maine-mendoza2

Pero never daw binasag ni Maine ang claim ni Arjo na ‘exclusively dating’ na sila.

“Sino nambasag na walang Armaine? Puro hearsay and kwentong kutsero lang naman kaya. Ipinagkakalat ninyo na sinabi ni Maine nung nasa Bulacan ang EB sa harap ng parents niya and and fans na di totoo Armaine pero maski isang video or audio man lang sa dami ng tao dun walang nakakuha?

“Bakit NEVER binasag ni Maine sa twitter niya yung claim ni Arjo na ED na sila? Her silence should speak for itself. Palagay ninyo sira na ulo ni Arjo para maging ganun siya katapang to claim na ED na sila if it is not true? Of course not kasi pinagusapan na nila ni Maine yun kung ano ang pwedeng i announce, hence, her silence. Sadyang matigas lang ang ulo ninyo and mas pinaniniwalaan ninyo ang mga paasa accounts.”

arjo-bw

Comments pa ng netizens, “You know what, if youre indenial and hurting, maniniwala kang photoshopped yan pro kung d ka ganun you will believe. Isipin mo naman bakit mageeffort pang mag edit at mah aksaya ng oras mag edit if u already know the truth. And kaninong mga katawan ang mga yan na dinikit lng ang mga muka ni arjo at maine? Talagang nag swak p sa expression nila. Cmon guys gising ulit tayo.”

“alam ko wala naman nag eedit ng ganyan na fans. yung mga masaya nga sa relasyon ni maine at arjo, makita lang na spotted ang dalawa kahit may kasamang iba kinikilig na eh. kahit edited yan, hindi padn mababago na arjo and maine are exclusively dating. wag na umiyak ang hibangs noh. wala padin maichard hahahah.”

“di ugaling mag edit ng armaine fans ng ganyan. kung mageedit man sila dinidikit lang nila ang picture kung saan same ang lugar kung asan ang armaine. kumbaga parang puzzle. utak nalang ang gagamitin and resibo is already given. kung magbibigay man ng resibo ang armaine, yung talagang personal photo nila na magkasama. gaya nyan. hahahah”

Pero sa kabila ng pagtatalo, marami ay nagsasabi na mukhang happy talaga si Maine sa piling ni Arjo, kaya dapat na itong tanggapin ng mga nagmamahal sa EB host.

Arjo-atayde1

“Maine deserves to be happy. Everybody does.  Parang sa mga ibang fans nya… Kung hindi si Alden ang maging boyfriend, parang walang karapatang maging masaya yung babae.

“Unfair naman yata yun lalo na kung single sila pareho. Paano kung ma-inlove sa iba si Alden (coz obviously, friend lang trato nya kay Maine)? In real life, di ba mas pathetic naman sa part ng babaeng naghintay ng mahabang panahon na liligawan sya ng lalaki pero ang ending, iba ang niligawan?

“Kung ang worry ng mga tao eh di mabuti si Arjo for Maine… it’s hers to find out–not the outsiders. Besides, it’s better to love, be loved & lose… rather than loving someone who doesn’t love you back. At least, even for a time, you’ve been happy in love.”

“Halata mo talaga silang masaya. Sana tigilan na sila ng mga bashers. Obvious naman na sila na,” sabi pa ng isa.

May nagbiro ein na I-KMJS (Kapuso Mo Jessica Soho) na yan para magka-alaman na kung ano talaga ang totoo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s