Yul Servo, ratsada ang mga proyektong ginagawa para sa mga Manileño

Ni: Throy Catan

KAHANGA-HANGA na pinagsasabay ni Congressman John Marvin C. Nieto (o mas kilala bilang Yul Servo sa showbiz industry) ang mga proyekto niya sa showbiz at ang pagiging public servant niya sa kanyang mga constituents sa Maynila.

Sa mga hindi nakakaalam, si Yul ay isang public servant at legislator representing the Third Congressional District of Manila. Inimbitahan ang mga media para i-share ang kanyang plano para pasiglahin muli ang Maynila.

Binanggit din niya na tatakbo rin ang kanyang kapatid na si Apple Nieto bilang city councilor ng District 3 ng Maynila.

Ang daming proyekto para sa Manileño ang nagawa ni Yul at plano niya ipagpatuloy ang kanyang ginagawa para sa kanyang kababayan. Isa na rito ang feeding program na Yul Now Serving: Lusog-Busog, Palarong Pinoy Fiesta Caravan para palaganapin ang kalusugan at kultura ng mga batang Pinoy, blood-letting event na Dugong Alay, Isang Buhay, at marami pang iba.

Hindi lang ito natatapos dahil kasalukuyang ginagawa ngayon ang mga proyekto sa bawat barangay sa Third District katulad ng Barangay Infrastructure Program (BIP) (pagpapatayo ng mga multi-purpose hall, day care center, atbp.), Local Infrastructure Program (LIP) (pagpapatayo ng police station, eskwelahan, atbp.), Angat Pangkabuhayan Program (ang programa para mapalago ang mga small businesses), Lingap Buhay Program (nagbibigay ng serbisyo sa mga taong nangangailangan ng laboratory examination, gamot, etc.), at marami pang iba.

Hindi namin maiwasang tanungin ang mga upcoming projects niya in the future sa showbiz, Gusto ko na rin sanang umarte po ng umarte. Pero dahil sa hectic ng schedule ko dahil sa paglilingkod sa bayan, mas priority ko po ito. Pero minsan nakakalabas-labas po ako. Ngayon mas madalas ako sa ABS-CBN. Doon ako madalas ng nabibigyan ng trabaho.” sabi ni Yul. Mapapanood niyo si Yul sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya this week.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s