Hugot King Kiel Alo, successful ang Valentine concert; Malu Barry, walang kupas sa ganda ng boses

NI: Throy Catan

PUNO ang buong venue sa Valentine concert ni Hugot King Kiel Alo na may pamagat na Psst… I Love You. Ginanap ang nasabing concert nung February 12, Tuesday at 9 PM sa Music Box sa Timog, Quezon City.

Marami ang napabilib sa galing ng pagkanta ni Kiel lalo na nang kinanta niya ang mga OPM classic katulad ng Kahit Na na pinasikat ni Zsa Zsa Padilla, at iba pa.

Hindi rin nagpatalo pagdating sa kantahan ang guest artist ni Kiel na si Malu Barry. Matagal na siya sa showbiz industry pero ang boses niya ay wala pa ring kupas. Kinanta niya ang 80’s classic na Come In From The Rain na pinasikat ni Melissa Manchester.

Sobrang gandang panoorin sina Kiel at Malu nang nag-duet sila sa kantang Sometimes When We Touch. Ang ganda ng pagkaka-blend ng kanilang mga boses.

Nagpapasalamat si Kiel para sa mga major sponsors: Guiginto, Bulacan Mayor Ambrosio “Boy” CruzPercy CruzArt AtaydeAtong AngSen. Bong Revilla Jr.; Boy AbundaManny GarciaDaisy RomualdezArnold VegafriaDr. Anj ManilaErnest Tolentino; and Malolos, Bulacan Mayor Christian Natividad.

Si Kiel Alo ay recording artist ng Viva Records. Under siya ng Front Desk Entertainment Productions ng kanyang manager si Nanay Jobert Sucaldito. Nagkaroon din ng TV guesting si Kiel sa Wish 107.5, Net 25’s Letters and MusicASOP (A Song of Praise), at marami pang iba.

Para sa dagdag na detalye tungkol kay Kiel Alo, bisitahin ang kanyang Facebook page at ang Instagram account.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s