Isinampang kaso ni Kris sa dating business manager na si Nicko, na-dismiss dahil sa insufficent evidence

NI: Rose Garcia

NA-DISMISS ng Makati Prosecutors office ang isinampang reklamo ni Kris Aquino sa dati niyang business manager na si Nicko Falcis.

44 counts of qualified theft ang isinampa ni Kris laban kay Nicko sa 7 key cities at isa na rito ang Makati, pero noong Biyernes ay na-dismiss ito.

No sufficient evidence ang dahilan ng Makati Prosecutors office kaya raw ito dinismiss. Kumbaga, hindi na raw ito dapat na umabot pa sa full blown case.

As expected, ang kalaban ni Kris ay tuwang-tuwa sa naging desisyon at nag-post agad sa social media niya nang, “Dismissed. The truth may hurt for a little while, but a lie hurts forever… GRATEFUL and HUMBLED.”

nicko-kris

At isinunod na naman ang pa-hashtag niya na no to bullying and let’s end this krisis.

Pero hindi pa tapos ang laban, isa lang ito sa nag-dismissed at hintay-hintay pa sa desisyon ng ibang prosecution office.

Obviously, kahit namay mga pumapabor at nakukuha ng dating business manager ni Kris ang ilang netizens, meron pa rin talaga na kampi kay Kris.

Tulad na lang ng IG user na si @nicoswang37 na ‘di nakatiis at nag-post ng comment sa IG ni Nicko na, “Hey! It’s because of a technicality NOT because you didn’t steal.”

Sinagot pa rin ito ni Nicko at idinepensa ang sarili sa pagbibigay diin na hindi talaga siya nagnakaw.

“Nothing was stolen po,” sey niya.

Sa halip na sa social media mag-react o magbigay ng comment niya si Kris sa nangyari, nag-file ito ng counter affidavit noong araw rin na yun.

Unlike Nicko, naniniwala raw si Kris na ang laban ay dapat sa korte at hindi sa socmed.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s