Alden, posibleng makatambal si Kathryn ‘pag natuloy sa Star Cinema; Maine, ginulantang ang mga fans sa pagpu-post ng picture nila ni Arjo

NI: Rose Garcia

LUMABAS ang balita na ang bagong aabangang tambalan ay ang KathDen. Ang KathDen ay pinagsamahang Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Diumano’y gagawa ng pelikula sa Star Cinema ang dalawa. Actually, narinig na namin ang posibleng paggawa nga raw ni Alden sa Star Cinema pero wala pa kaming nabalitaang leading lady niya.

Tahimik din ang GMA Artist Center sa balita so, hindi pa namin masagot kung kumpirmado na nga ba ito or what, pero naalala namin ang kasabihang, “kung may usok, may apoy.”

So, puwede, ‘di ba?

So far, positibo naman ang mga nababasa naming komento kung totoo ngang magsasama sina Kathryn at Alden. Something new, something fresh nga naman.

And if ever rin, first time ni Alden na magku-cross ng network, kahit pa sa film arm ng ABS-CBN. Naalala namin ang Kapuso primetime King na si Dingdong Dantes na ilang pelikula na rin ang nagawa sa Star…

Maine-Arjo1

Perfect timing din yata kung totoo nga ang chika na ito. May ongoing pa rin na diumano’y pagkakalabuan o problema raw sa pagitan nina Kathryn at Daniel Padilla.

Then, si Alden naman, as we all know, mukhang as of this moment ay malabo pang maibalik ang AlDub dahil sa pagiging out na out na ni Maine Mendoza sa rumored boyfriend nito na si Arjo Atayde.

Aba, e, ginulantang na lang ni Maine ang mga fans sa pagpu-post niya ng picture nila ni Arjo during her MAC event.

Binasa namin ang comment ng mga fans nila at majority, negative sa pinost na picture ni Maine. May ilan pa kaming nabasa na wala muna raw hashtag.

Every Thursday kasi ay may pa-hashtag ang Aldubnations dahil yun ang anniversary ng Aldub. Nang tingnan naman namin ang Twitter, meron pa rin namang hashtag na Aldub188weeksary at ADNStayingForADN.

So, abangers tayo sa kahihinatnan ng mga loveteams na ito. Pero sana lahat sila ay for their growth naman individually o loveteam talaga ang kapupuntahan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s