Yasmien, may malaking challenge na mapag-rate ang latest drama series na ‘Hiram na Anak’

NI:  Rohn Romulo

MALAKING challenge para kay Yasmien Kurdi na mapag-rate ang kanyang latest drama series na Hiram Na Anak, na sa halip sa Afternoon Prime ng GMA Network, pre-programming ito ng Eat Bulaga, simula sa Lunes, February 25.

Muling makakasama ni Yasmien si Dion Ignacio na kapwa-Starstruck niya bilang leading man, at kasama rin sina Paolo Contis at Lauren Young, may very special role naman sa serye si Empress Schuck.

Kung sa husay naman sa pag-arte, hindi naman matatawaran si Yasmien, at pawang nagri-rate ang kanyang afternoon series, kaya hindi talaga siya nawawala ng project na siya ang bida, dahil proven na ito ng GMA.

yasmien-hiram

Pero first time niyang sasabak sa morning timeslot at malakas din ang katapat dahil palagi itong nai-extend.

Gagampanan ni Yasmien at Dion ang characters nina Miren at Adrian, na masayang nagsasama bilang mag-asawa, na sa kasamaang palad ay hirap na magbuntis si Miren, kaya nag-decide na lang ang mag-asawa na mag-ampon at dito iikot ang istorya na magbabago sa kanilang matahimik na buhay.

Ka-join din sa cast sina Rita Avila, Vaness del Moral, Sef Cadayona, Mae Baustista at si Leanne Bautista na gaganap na batang kanilang aampunin.

Ang Hiram Na Anak ay mula sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. 

(photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s