Miss Universe Catriona Gray, magkakaroon ng bonggang homecoming show sa Big Dome; gustong i-promote ang kagandahan ng Mindanao

NI:  Rohn Romulo

TWO months after na masungkit ni Catriona Gray ang ika-apat na korona ng Pilipinas bilang Miss Universe magkakaroon siya ng grand homecoming na magsisimula ngayong araw.

Sa Instragram post nga ni Catriona last Monday, baka siya bumalik ng bansa mula sa New York City sinabi nito na, “Philippines, I’ve missed you!! I can’t wait to see and celebrate with all of you!!!”

Ang grand parade ay magsisimula ng 2 pm na iikot sa Pasay, Manila at Makati.  Dadaan ito sa Sofitel Grounds, Vicente Sotto St., Roxas Boulevard, Kalaw St., Taft Avenue, Buendia Avenue at magtatapos sa Ayala Avenue.

Sasakay si Catriona sa isang majestic float na inspired sa kanyang diamond-and-pearl-encrusted Mikimoto crown at red and orange gown na ginawa ni Mak Tumang.

Sa February 23 naman ay paparada ang ating ika-apat na Miss Universe sa Araneta Coliseum, magsisimula ito sa Novotel Manila at at magtatapos sa green gate ng Smart Araneta.

catriona-homecoming1

Sa Linggo naman magkakaroon ng isang bonggang show na tinawag na Raise Your Flag for Catriona Gray (Miss Universe 2018 Homecoming) at Smart Araneta Coliseum.

Pangungunahan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang constellation of stars and world-class Filipino talents na kinabibilangan nina Bamboo, KZ Tandigan, Morissette Amon, Jed Madela, Maymay Entrata, TBT Boys, ABS-CBN Philharmonic Orchestra at si Vice Ganda, habang si Boy Abunda naman ang tatayong host ng programa.

Makukuha ang tickets sa Ticketnet outlet o sa Ticketnet website, Binibining Pilipinas official website, at pwede ring tumawag sa 911-5555.

Sa February 26, sasadyain ni Catriona ang mga organizations na malapit sa kanyang puso at magkakaroon din siya ng courtesy call sa top officials ng bansa, kasama na dito si Vice President Leni Robredo.

Anyway, natanong si Catriona kung i-pursue niya ang Broadway or Hollywood after ng reign niya bilang Miss U.

Sagot niya, “why not, if oppurtunity is there, why not, I’m really really open to any oppurtunity that may come my way, especially Broadway, I really love Broadway.”

At kung maa-appoint siya bilang new ambassadress ng Department of Tourism, gusto raw niyang i-promote ang Mindanao kahit na may negative impact ito sa mga turista.

“I know there’s a lot of hesitancy especially when I was abroad, people are quite hesitant about Mindanao, because of  the recent news.

“But with proper precautions in the certain areas, there is such a beautifully rich cultures in Mindanao, that I think people don’t see because it is overshadowed by all of this negativity.

“But if only it could be shared with the world, such a beautifully unique aspect of the Philippines, I’m feeling it is such pity that it’s going unnoticed.”

(photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s