Julie Anne, mas bold and daring na ngayon after ng break-up nila ni Benjamin; maraming napanganga sa sexy beach photos

NI:  Ruel Mendoza

NAPANGANGA ang higit na 1.4 million followers ni Julie Anne San Jose sa Instagram dahil sa mga sexy beach photos na pinost ng Kapuso singer-actress.

Confident at tila wala nang takot na mag-pose si Julie suot ang isang sexy two piece black bathing suit at nagtampisaw ito sa init ng araw at naka-pose na parang isang Sports Illustrated Bikini model sa mainit na buhangin ng Dakak Park & beach Resort.

Napa-wow ang ilang netizens sa hubog ng balakang ni Julie, pati ang tambok ng kanyang puwet sa isang photo kunsaan naka-floral bikini siya sa may waterfall.

julie anne-sexy

Ito na raw ba ang bagong image ni Julie na bold and daring? Wala na ba ang dating mahiyain at walang kibo na Julie?

Pati mga close friends ni Julie tulad nila Kyline Alcantara at Ashley Rivera ay natulala sa mga sexy photos nito at puwede na raw itong sumabay sa ibang celebrities na mahilig na mag-post ng kanilang bikini photos.

May ilang netizens naman ang nagsasabi na best revenge daw ito ni Julie simula noong maghiwalay sila ni Benjamin Alves. Parang pinapakita ni Julie kung ano ang hindi na makikita at maaangkin ng kanyang ex-boyfriend.

(photos: #CTTO)

julie-anne-san-jose

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s