Karla, dinenay na naghiwalay na sina Daniel at Kathryn; inaming long distance ang relasyon nila ng bf

NI: Rohn Romulo

INAMIN ni Karla Estrada na long distance relationship ang drama nila ng kanyang boyfried na nasa nasa Colorado, California.

Ayon sa mother ni Daniel Padilla, “Ngayon medyo aabutin muna ng tatlong taon bago bumalik. Kasi doon may bagong negosyong tinayo.

“Bago ‘to sa akin. Kaya sabi ko, walang masyadong expectations, hindi ko nilalaliman ang pagmamahalan, ang layo e.”

Dagdag pa ng aktres, “Alam ni Daniel, kasi nakasama ko na ng matagal yung tao na ‘yon, we’ve been together for seven years.”

“Katulad nga ng sinabi ko, hindi naman kasi ako mahilig magkwento ng aking buhay pag-ibig.

“Basta okay ako, happy ako, higit sa lahat, may love life o wala, sa estado ng buhay ko ngayon, maayos ang mga anak ko, wala na akong hihilingin,” pahayag pa ni Momshie Karla.

kathryn-daniel

Samantala, nagbigay naman siya ng reaksyon tungkol sa pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kay Daniel.

“Natawa lang ako. These things really happen sa mga magkakarelasyon. Ang maganda naman do’n na-explain naman ni Kathryn na it wasn’t Daniel ang nag-unfollow,” sabi ni Karla.

Nilinaw din niya na hindi totoo na nag-break na ang dalawa.

“Naku, tigilan na nga ‘yang mga ganyan. Sinabi na ni Kathryn na nagkamali lang siya ng pindot, e. And a few days before that, natsismis namang nag-propose na raw si Daniel ng marriage sa Japan, na hindi rin naman totoo.

“Katuwaan lang nila roon. They’re too young to settle down, malayo pa itatakbo ng mga buhay at career nila, so huwag nyong madaliin.”

Bibida naman si Karla sa bagong family-comedy movie na Familia Blondina na mula sa Arctic Sky Entertainment at ire-releasen ng Star Cinema na mapapanood na sa February 27 sa mga sinehan nationwide.

Kasama niya rito sina Jobert Austria bilang leading man niya, Marissa Delgado, Boboy Garovillo, Lee O’Brien, Rubi Rubi, Xia Vigor, Marco Gallo, Chantal Videla, Awra Briguela, Heaven Peralejo at Kira Balinger.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s