Sylvia, nasa sentro na naman ng pamba-bash ng mga fans

NI: Rose Garcia

NAKU, hindi ito ang unang beses na may mga fan na nagalit dahil sa pagla-like ng malapit sa mga taong involved.

So, ang aktres na si Sylvia Sanchez ay nasa sentro ng “hate” ng mga fans daw ni Alden Richards o ng AlDub dahil sa diumano’y pagla-like nito sa isang hate message kay Alden.

Ang dating sa mga fan, pinaboran o sinang-ayunan ni Sylvia ang hate o pangba-bash ng particular fan na yun kay Alden.

Ano kaya ang reaksiyon ni Sylvia sa isyung ito? Siya nga kaya ang nag-like dahil agree siya sa sinabi nung hater ni Alden o ‘di sinasadyang na-like niya? Hindi naman siguro gagaya si Ibyang sa ibang artista na ang alibi palagi e, na-hack ang account.

alden iceland

Anyway, masyado ng lumalaki ang apoy ng AlDubAr (Alden-Maine Mendoza-Arjo Atayde.) Damay na talaga ang pamilya na ang nagpapalaki rin talaga ay ang pagka-disgusto ng mga fans.

Eh, look at Alden now, ang saya lang na isa sa bucketlist niya ang natupad.

Nag-bakasyon ito sa Iceland. Kung yung iba, kanya-kanya ng mga naging paandar noong Valentine’s Day, si Alden ay sa Iceland lang naman at na-cross-out na ang isa sa bucketlist niya na makita ang Aurora Borealis.

Ibinahagi rin ito ni Alden sa kanyang social media account. At kita ang kasiyahan nito sa caption na, “Thank you for showing yourself.”

Sana makita rin ng mga fan na itong mga iniidolo nila ay mga relax lang at masasaya ngayon.

So, why not be happy na lang talaga for them, ‘di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s