Paul, sinisigurong kaya nilang magpakilig ni Mika kahit loveteam lang sila

NI:  Rose Garcia

ANG huling teleserye na ginawa ni Paul Salas sa pinanggalingang network, ang ABS-CBN ay You’re My Home kunsaan, sila ni Mika dela Cruz ang loveteam.

After his long wait as a Kapuso, sila pa rin ni Mika ang magka-loveteam sa bagong primetime series na Kara Mia at magsisimulang umere sa Lunes, February 18 pagkatapos ng 24 Oras.

“Worth the wait,” ang nakangiting sabi ni Paul sa unang teleserye niya bilang Kapuso.

Mayaman na may pagka-conyo raw ang role niya.

Paul Salas, Mika dela Cruz, Barbie Forteza, Jak Roberto 2

Sila na naman ni Mika ang loveteam. At ayon kay Paul, si Mika raw ang parang bestfriend niya sa mga babae. Nasasabihan daw niya ito kung may problema siya.

Unlike JakBie nina Jak Roberto at Barbie Forteza, sila ni Mika ay knows ng lahat na hindi for real, so kikiligin pa rin kaya sa kanila?

“Nasa amin po ‘yan kung gagalingan namin ang mga reactions namin. At kami ni Mika, comfortable naman po kami sa isa’t-isa and work is work para sa ikagaganda ng show.

“Kaya po namin yun na magpakilig,” tahasang sabi niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s