Barbie, hindi na iniisip ang pressure sa desisyon ng management sa pagtapat nila sa show ni Coco

NI: Nora V. Calderon

THANKFUL si Barbie Forteza sa GMA Network, na sa nine years na niya sa showbiz magaganda at iba-iba ang characters na ginagampanan niya.

Pero sa lahat ng mga proyektong nagawa niya, naiiba itong Kara Mia na pagsasamahan nila ng best friend na si Mika dela Cruz.

“Marami po akong nagawang mahihirap na eksena sa mga previous projects ko, pero, ito lamang ang may eksenang iniyakan ko ng buong araw,” nakangiting wika ni Barbie.  “Kung nakikita po ninyo iyong trailer namin na nakabitin kami ni Mika sa isang foot bridge, hindi ko alam kung paano ako nakatapos doon.  Maghapon po kasi naming kinunan iyon dahil paiba-iba ng anggulo, pero iniyakan ko talaga iyon.

Paul Salas, Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Jak Roberto 4

“May fears po kasi ako sa height at kailangan talaga namang gawin iyon, hindi pwedeng i-double dahil mahahalata.  Mahina ang loob ko talaga sa ganoon, mabuti si Mika, matapang, siya iyong nakaharap sa kalye at nakikita niya lahat ng nangyayari sa ibaba, ako po kasi iyong nakatalikod.  Kaya labis ang pasasalamat namin ni Mika nang matapos iyon.  Salamat po kay Direk Dominic Zapata at sa buong production team.”

Sa Monday, February 18 na ang premiere telecast ng Kara Mia after 24 Oras kaya makakatapat nila ang teleserye ni Coco Martin.

May pressure ba sa kanila iyon?

“Hindi ko po iniisip iyon. When we started naman po, wala silang sinabi kung saang timeslot kami ilalagay. Desisyon po iyon ng management, at siguro may nakikita sila sa ‘Kara Mia’ at sa potential nito. 

“Dati po kasi action ang itinatapat din nila sa action.  This time, naiibang klase naman ng drama series ang mapapanood ng mga viewers.  At lahat po kami sa cast, nangakong gagawin namin ang lahat para mapaganda ang show namin at masiyahan ang viewers namin every night.  Naiiba po kasi ang concept at unique ang story namin maraming magiging interesado kaming panoorin.”

Makakasama rin nina Barbie at Mika sina John Estrada at Carmina Villarroel, ang parents  nila, si Glydel Mercado, Alicia Alonzo, Liezel Lopel, Gina Pareno at si Mike Tan ang engkanto na si Iswal.  Katambal ni Barbie ang real boyfriend niya na si Jak Roberto at si Paul Salas naman ang katambal ni Mika.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s