Uno, happy na napasama sa ‘Jesusa’ at nakaeksena ang magaling na aktres na si Sylvia

NI:  Ricky Calderon

NAINTERVIEW namin ang baguhang actor na si Uno Santiago, ang bagong alaga ni Daddie Wowie, recently. Guwapo ito sa personal at nag-enjoy kaming kausap ito dahil mahusay siyang sumagot sa aming mga tanong.

Uno is 19 at limang taon rin siyang nag-stay sa Amerika with his mother. Sabi niya mas maaga siyang nag-mature dahil nakita niya ang struggle ng kanyang ina nang mahiwalay ito sa kanyang ama.

He is taking up a business course pero gusto rin niyang mag-artista. Nakapag-acting workshop na siya and he is very much willing to learn more about the craft of acting.

sylvia-jesusa

Maganda naman ang kanyang boses, sabi ni Uno, pero baka raw hindi ito pang-recording, biro niya.

Pero willing naman siya mag-take ng voice lessons at baka sakali gumanda ang boses niya.

Happy si Uno dahil napasama siya sa movie ni Sylvia Sanchez titled Jesusa at nakaeksena niya ang magaling na aktres.

“Very supportive si Tita Sylvia sa akin. Sabi niya huwag akong nerbyosin sa eksena namin dahil aalayan niya ako. Mas lalo raw akong magkakamali kung nenerbyosin ako,” sabi pa ni Uno.

Sa Mayo nakatakdang ipalabas ang Jesusa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s