Winwyn, ipinagdiinang walang ‘third party’ sa break-up nila ni Mark

NI: Rose Garcia

BIGLA naming tiningnan ang Instagram account ni Winwyn Marquez kung may post pa ba ito na kasama si Mark Herras.

Pero umabot na kami nung nakaraang taon na entry niya, pero wala ng bakas ni Mark sa IG account niya.

Tiningnan namin ito nang aminin niya sa post-Valentine’s movie nila ni Enzo Pineda sa Regal Films, ang time & again na ipalalabas sa February 20 na break na sila at single na siya.

“Actually, yeah, I’m single right now,” ang tahasan niyang pag-amin.

Pero nilinaw niyang okay naman daw sila. Maayos naman daw ang naging paghihiwalay nila at mutual decision daw nilang talaga.

Binigyang-diin din niya na walang third party sa break-up nila.

“Walang third party! My god! Parang awa niyo na, hindi yun ang reason,” natawang sabi rin niya.

mark win1

Sey pa niya, “Wala talagang third party.  Siguro maiisip niyo, kasi ang image ni Mark before na playboy, ganito, ganyan so, uunahan ko na kayo na walang third party.

“Thank God, walang party.”

Kung anuman daw ang dahilan ng break-up nila, hiniling ni Wynwyn na sa kanila na lang daw dalawa yun.

“Open kami sa public, pero siguro kung bakit kami naghiwalay, konting privacy na lang. Gusto kong maalala ng mga tao na okay kami, we’re friends.”

Ngayong taon lang daw sila nag-break and since nasa ikalawang Linggo pa lang ng February, safe to say na fresh pa ang break-up. Iniyakan din daw niya ito at nasa moving on process pa.

Pero okay naman daw siya, busy at maraming trabaho.

“Siyempre, I worry about him, pero mas gusto ko namang i-prioritize ang work ngayon.”

Sabi nga ng mga press na nasa mediacon ng time & again, kung titingnan si Wynwin, parang hindi ito dumaan o kagagaling sa break-up. Kaya may nagtanong dito kung nasaktan ba.

“Siyempre naman, three years is three years at yung edad namin, hindi naman na kami teenagers.”

Natawa na lang din si Wynwin kung iisipin naman daw ng iba na pakulo lang nila para sa pelikula ang break-up.

Sey niya, “Eh, kung para sa movie, sinasabi ko nga na para kong brother si Enzo, eh, ‘di sana, pakilig kami, ‘di ba?”

Marami raw ang makaka-relate sa pelikula nilang ito na dinirek ni Jose Javier Reyes.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s