The One 690, level up na at may mga pasabog na production shows na pang-world class

NI: Rose Garcia

ABA e, iba na pala ang image ngayon ng mga entertainment bar na noon, parang mga bading lang ang pumapasok.

Maging mga straight ngayon as in, ginagawang hang-out na ang entertainment bar tulad ng The One 690 na matatagpuan sa 39 Roces Ave., Quezon City infront of Amoranto Sports Complex.

Iba na nga raw ang kalidad na mapapanood ngayon sa apat na dekada ng The One 690.

Nagsimula ito noong 1972. Naabutan pa ang martial law na kung saan ay may curfew . Bawal pa pumasok ang mga babae noon. Itinayo ang Club 690 ni Boy Fernandez at pinamahalaan ni Raoul Barbosa. Pansamantala itong nagsara  hanggang muling binuksan ni Sir Wilbert Tolentino katuwang ang co-owner manager na si Mami Genesis Gallios. Tinawag na itong The One 690. Sila rin ang nagkonsepto ng ebolusyon ng show.

Wilbert Tolentino

Sa pagdaan ng panahon babae na ang nagsusulputan sa ganitong klaseng entertainment bar. Hindi na solo ng mga kabadingan.  Puwede na sa lahat ng gender. Hindi na kailangang magdalawang isip pa ang mga babae para pumasok.

Ang The One 690 ang ang unang magsi-set ng high standard caliber ang entertainment sa henerasyon ngayon.

Inihain nila ang makabagong production number na pasado sa panlasa ng mga kababaihan at sangkabekihan. Mas fabulous, amazing ang show na pasabog ang costume. Nandiyan ang Las Vegas-type shows, Broadway sa New York at Moulin Rouge sa Paris na pang-world class talaga.

Ayon kay Wilbert, “Ni-level up namin ang The One 690 dahil girls night out na ang trending sa millennials.  Maraming ganap na rin gaya ng bridal shower party.

“Open minded na ang society ngayon compare sa 70’s 80’s & 90’s na henerasyon. Sumasabay na ang entertainment bar sa makabagong panahon.”

Bukod dito, nag-decide sina Wilbert at Genesis na magtayo pa rin ng bagong entertainment bar na APOLLO WORLD CLASS MALE ENTERTAINMENT & KTV BAR. Matatagpuan naman ito sa  717-B Roxas Boulevard, Paranaque City (malapit sa Baclaran).

Gaya sa The One 690 mapapanood din dito ang mga pasabog na production show.

“’Old school gay bar’ no more!,” pagtatapos ni Sir Wilbert.

Anyway, ilang aktor na rin na kilala ngayon at yung iba nga ay award-winner pa ang produkto ng The One 690.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s