Ryza, naka-move-on na sa break-up nila ni Cholo; natutunan na ‘wag ibigay ang lahat-lahat at magtira sa sarili

BY: Rose Garcia

NAGING malapit si Ryza Cenon sa mga nakasama niyang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya nalungkot daw siyang talaga, kahit alam niyang magpapaalam namang talaga ang character niya sa long running primetime series na ito ng ABS-CBN.

Nagpapasalamat daw siya lalo na kay Coco Martin.

Pero suwerte naman si Ryza dahil hindi siya at all nabakante, kaya naman siya kinailangan ng patayin sa FPJ’S AP ay sa dahilang primetime rin ang The General’s Daughter kunsaan ay kasama rin siya. Tulad sa FPJ AP, masaya rin sa TGD at nagkaka-bond ang cast, staff at crew.

Mukha nga dahil nag-post si Ryza ng pre-Valentine’s date raw nila ng mga co-stars niya sa TGD na sina Albert Martinez at Eula Valdes. Si Albert daw ang nagyaya na mag-dinner sila na tinawag nilang pre-Valentine’s Date.

ryza cholo.jpg

Eh, nagsama-sama raw silang tatlo na mga singles dahil sa hashtag niya na 3 singles. Yes, hindi lang si Albert ang single dahil biyudo na, maging si Eula pala ay single na at hiwalay na sa longtime boyfriend na si Rocky Salumbides.

At si Ryza, very obviuos naman sa mga postings niya sa social media na last year pa sila break ni Cholo Barretto, kasunod pa ang balitang nag-unfollow sila sa isa’t-isa.

Nang tanungin namin tungkol sa break-up ay ayaw nang magkuwento pa ni Ryza. Para sa kanya, past is past na raw at naka-move-on na siya.       Although when asked kung ano ang natutunan niya sa last relationship, natutunan daw niya na ‘wag ibigay ang lahat-lahat, magtira pa rin para sa sarili.

Well, yun na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s