Kathryn, personal na tinanggap ang award para sa ‘The How of Us’ sa Film Ambassadors’ Night ng FDCP

NI:  Rohn Romulo

Isang gabi ng selebrasyong puno ng musika, visuals, at warm company sa local film industry ang naganap sa nakaraang Film Ambassadors’ Night na hosted ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong February 10 sa Samsung Hall, Taguig City.

Pinagsama-sama ng Film Ambassadors’ Night ang walumpu’t siyam (89) na mga pelikula, filmmakers, at artists ng industriya, pati na ang special guests at movers ng Philippine cinema.

Nagkaroon ng isang networking hour bago magsimula ang main program para sa awarding ng honorees na nagbigay ng karangalan sa bansa sa kanilang pagkapanalo sa film festivals sa buong mundo.

Binigyan ng parangal ng FDCP ang mga pelikulang nanalo sa A-list film festivals, kabilang na ang Nervous Translation ni Shireen Seno, Respeto ni Treb Monteras II, at Alpha, The Right to Kill ni Brillante Mendoza.

Ibinigay ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño ang trophies sa recipients ng Camera Obscura Artistic Excellence award, ang pinakamataas na karangalang iginagawad ng FDCP sa mga katangi-tanging miyembro ng local film industry.

Personal na tinanggap ng National Artist na si Kidlat Tahimik, award-winning film producer na si Bianca Balbuena, box office queen Kathryn Bernardo, The Hows of Us producer Olivia Lamasan, director Cathy Garcia-Molina, at screenwriter Carmi Raymundo ang kanilang award.

fdcp-100

Ipinagdiwang ng honorees ang tagumpay ng bawat isa habang nag-eenjoy sa isang experiential concert tampok ang mga kanta mula sa mga pelikulang binigyang-dangal ng gabing ‘yon, gaya ng “Nasaan Na Ang Anak ng Bayan” mula sa Ang Panahon ng Halimaw ni Bituin Escalante, “Kay Saya ng Buhay Nu’ng Araw” mula sa Ang Larawan nina Celeste Legaspi at Rachel Alejandro, at isang rap song mula sa Respeto ni Abra.

Inaliw naman nina Kai Honasan at Bayang Barrios ang guests sa kanilang musical performances.  Samantala, nag-perform sina Nar Cabico, Kyla, Juris, Yumi, at Air Dance ng Sandaan Medley para i-showcase ang iconic music mula sa iba’t ibang pelikulang Pilipino na kabilang sa 100 taon ng Philippine cinema.

Ang Film Ambassadors’ Night ay dinirek ng aktor at singer-songwriter na si Ice Seguerra.  Ang event na ito ang opisyal na naglunsad ng “Sandaan,” ang pagdiriwang ng 100 taon ng Philippine cinema.

Ang Samsung Hall ang venue partner sponsored ng Globe #PlayItRight, Fullhouse Asia Production Studios, Inc., Fire and Ice Productions, HEA Watches, at Sinag Maynila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s