Alden, hindi na tamang dinadawit sa isyu nina Maine at Arjo; AlDub Nation dapat nang mag-move on

NI: Rose Garcia

KAHIT na kilalang loveteam or phenomenal as well, ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, hindi na siguro tamang i-drag palagi ang pangalan ni Alden sa mga isyu about Maine and Arjo Atayde.

Nakakaloka yung mga nababasa naming tweets, comments ng ibang Aldub fans. Na obviously, hindi talaga matanggap na what Alden and Maine is a beautiful loveteam on-screen at kung ano man ang meron ngayon between Maine and Arjo is something personal.

Marami pa rin talaga sa Aldub fans ang hindi maka-move-on, ang hindi matanggap na iba ang reyalidad at iba ang on-screen romance o loveteam.

maine-arjo

Anyway, ang maganda lang sa nangyayari, kahit sa kabila ng mga harsh comments at bashing, parang nasanay na yata sina Alden at Maine. Tipong “unaffected” na lang sila. Kasi kung makikita mo sila sa Eat Bulaga na magkasama, walang trace na hindi sila okay o nagkaka-awkward-an na sa isa’t-isa dahil may rumored boyfriend na ang isa.

It only shows, dumating na sila sa ganung level na mas kilala na nila ang isa’t-isa at kung ano sila sa isa’t-isa.

Anyway, halata naman na masaya si Alden sa buhay niya ngayon. Positibo at grateful lang palagi sa mga nangyayari sa kanya. Tuloy-tuloy lang siya sa kaka-renew sa GMA-7 na Eat Bulaga at sa Sunday PinaSaya tuwing Linggo.

Bukod sa mga endorsement shoots at out-of-town engagements na ngayon, nagkakaroon siya ng oras na tanggapin ang ilan.

Other than his showbiz commitments kasi, nakasuot si Alden ngayon ng ‘businessman hat.’ Excited na ito sa nalalapit na pagbubukas ng sarili niyang branch ng McDo sa Laguna. Bukod pa sa expansion ng ilang branch niya ng Concha’s Garden.

Balanse nga ang mga ginagawa ni Alden ngayon dahil kailangan din niyang tutukan ang mga itinayong negosyo, which for sure, ‘di-birong milyones ang mga puhunan.

At least, pagdating ng oras na kailangan na niyang gumawa ng bagong serye sa GMA at pelikula this year, na-settle niya ang mga dapat i-settle muna with his business.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s