Ronnie Liang, nag-aaral ng pagpipiloto kahit na busy sa kanyang showbiz career

NI: Throy Catan

HECTIC ang schedule ngayon ni Ronnie Liang dahil sa dami ng projects. Isa na rito ang kanyang upcoming travel show, at siya ang ang main host nito. Sa ngayon ay wala pang update kung kailan at kung saang channel ipapalabas ang nasabing show.

Nangako naman na magiging maganda ang travel show dahil marami silang surprise host sa different segment na siguradong maaaliw ang mga tagapanood.

Speaking of travelling, kapag hindi busy ang kanyang schedule ay nag-aaral siya na kung paano magpapalipad ng eroplano, “Nagpipiloto po ako ngayon sa Strike Wing Aviation. So, nire-relay namin siya sa travel show. Abangan niyo po siya.” Sabi ni Ronnie.

Kahit na matagumpay ang kanyang career ay hindi nakalimutan na tumulong sa mga nangangailangan. Last week, nag-celebrate ng kanyang kaarawan sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City. Pinasaya niya ang mga batang cancer patients.

“Celebrating My Birthday for 11 consecutive years with the cancer stricken kids here at Philippine Children’s Medical Center (PCMC), Quezon City. Thank you Ronnie Liang Friends, Shakey’s Philippines, Fernandos Bakeshop, PMPC, my siblings, RSQuimson Photographic Servicesfor your support!” Sabi ni Ronnie sa kanyang caption sa Facebook page niya.

Imbes na si Ronnie ang makakatanggap ng gifts, siya pa mismo ang namimigay ng mga regalo sa mga bata.

This week ay merong Valentine concert si Ronnie na pinamagatang A Valentine Date with the Prince… Ronnie Liang on February 14 sa Music Hall Metrowalk kasama si Jo.E. Meron din siyang major solo concert on May 10th sa Kia Theater (dating New Frontier) Araneta Center sa Cubao. Isa sa kanyang special guests ay si Sarah Geronimo. Ang nasabing concert ay under ng Viva Live.

Inanunsyo ni Ronnie na out na ang kanyang latest album na 12 under Viva Records at available na ito sa SpotifyDeezeriTunes, at marami pang iba. Last month, ni-release sa official Viva Records YouTube channel ang bago niyang music video na Ligaya.

Para sa dagdag na detalye tungkol kay Ronnie Liang, bisitahin ang kanyang official Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s