Toni, maraming nai-inspire sa pagbabahagi kung paano sila dinisiplina ng ama at ina; YouTube subscribers almost 700K na

NI: Rose Garcia

BILANG isang ina rin, natutuwa kami sa mga YouTube contents ni Toni Gonzaga-Soriano.

Dalawang Linggo pa lang simula nang mag-open ng kanyang official You Tube account si Toni pero kulang 700,000 na ang subscribers niya. Bukod dito, halos napakaraming shares sa social media ng mga vlog niya.

Magkaiba ang You Tube contents nilang magkapatid na si Alex Gonzaga. Walang-duda na pinag-isipan din nila para nga naman ‘di magkapareho o mga laman nila.

toni g1

Base sa mga nababasa naming comments sa tatlong YouTube entry pa lang ni Toni, tulad namin, ang daming na-inspire na mga magulang sa pagbabahagi niya kung paano sila dinisiplina ng ama, si Daddy Bonoy at gayundin ng kanilang ina na si Mommy Pinty.

Naikuwento nga ni Toni kung bakit “its pays to wait” na kahit gustong-gusto raw niya noon na magpunta ng Amanpulo, hindi niya nagawa dahil sinabihan siya ng ama na kalimutan na niyang may tatay siya at hindi na rin daw kakausapin si Paul.

Ang ending, hindi siya tumuloy at talagang naghintay sila ni Paul na maranasang mag-out-of-town o mag-out-of-the-country pagkatapos na nilang ikasal. Ngayon, dalawang beses na raw siyang nakapunta ng very exclusive and expensive island.

toni g fam

Regalo ng ninang nila sa kasal na si Kris Aquino ang una at sa ikalawa, nakasama na nila ang anak na Seve.

Mas seryoso dahil may element ng mga word of wisdom, pero light pa rin  na naitatawid ni Toni ang mga gusto niyang maiparating sa netizens.

Para sa amin, parang breath of fresh air ang YouTube account ng host/singer/actress na sana siyang panoorin ng paulit-ulit lalo na ng mga millennials o kabataan ngayon.

(photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s