Kris, humingi ng apology kay Lolit dahil patuloy na nadadawit sa isyu

NI: Rose Garcia

KUNG tina-target ng pamilya— hindi na lang kasi ang magkapatid na Nicko at Jess Falcis, sumali na rin ang ina nila na nagbigay ng statement at saloobin daw nito sa kinasasangkutang isyu ng anak laban kay Kris Aquino, gayundin sa talent manager/columnist na si Lolit Solis, nagpakita naman ng suporta si Kris kay Nay Lolit.

Sa kabila nang mga naging pahayag ni Nay Lolit na ano mang sinabi niya ay galing lang din sa mga usap-usapan, tulad nang diumano’y chika sa sexuality nito at naugnay pa sa isang sikat na actor sa Thailand.

Lolit-Solis

Itinanggi rin niya na isa siya sa bayarang press ni Kris para magtanggol dito.

Kilala sa showbiz si Nay Lolit kung paano ito humirit at minsan sa pamamagitan ng biro ang lahat. Pero obviously, hindi ito knows ng mga Falcis kaya mukhang lahat, sineseryoso nga nila.

May nag-comment nga na nabasa namin at tila pinayuhan ang Falcis brother na, “chill lang” daw.

Dalawang mahabang caption ang pinost ni Nay Lolit sa IG niya dahil halos araw-araw raw, iba-iba ang nagsasabi sa kanya na nabanggit na naman pangalan niya ng mga Falcis.  Sinabihan din daw siya ni Ricky Lo not to take Falcis brothers lightly.

Pero sabi rin niya, “Siguro takaw-intriga ako dahil without any intention, any bad thoughts, nadadamay ako sa issue.  I will not explain anything or apologize, or say sorry, for I know I did not do wrong.  If my health will fail because of my depression and sadness, rest assured Falcis family I will not blame you. 

I will just accept my fate, and knowing how good natured Kris Aquino is, I am sure the biggest and most beautiful arrangement for my wake will come from her.

kris-aquino-14

At isang bonggang “case closed” na huling litany niya.

Nag-comment si Kris sa post na yun ng dati rin niyang manager at nanghingi ng paumanhin na nadadawit ito sa isyu niya.

Sabi ni Kris, “You have my wholehearted apology that they have chosen to target you which is utterly WEIRD… I have never taken issue with any entertainment portals, websites, news programs, bloggers or reporters because this is a public issue… I haven’t reacted to people expressing their views.  The fight isn’t with them.”

Dugtong pa niya, “Pasensya ka na Nay Lolit.  Dinededma ko kasi sila dahil 100% ang CONFIDENCE ko kay Atty. Sig Fortun & UST Dean of Law,  Atty. Nilo Divina. God bless you – I know mahabang mahaba pa ang buhay mo.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s