Ogie, kinalaban sina Regine at Nate sa bagong ini-endorse nila ni Michael V.

NI: Rose Garcia

TINULDUKAN na ni Ogie Alcasid kung meron man gustong manghikayat sa kanya na pasukin ang pulitika.

Wala raw talaga siyang intensiyon at pareho silang mag-asawa, ni Regine Velasquez na wala sa plano ito.

“Hindi ko kaya,” saad niya.

Bawal din daw siyang mag-endorso ng mga pulitiko lalo na at kakapirma lang niya ng bagong endorsement. Posibleng ang endorsement na tinutukoy nito ay ang bagong TVC nila ni Michael V., ang McDo.

Natawa na lang si Ogie dahil magkalaban ang endorsement niya ngayon at ang endorsement naman ng mag-ina niya na sina Regine at Nate. Na mas pinili raw niya ang kumpare niya at longtime friend na si Bitoy nga.

Na-excite raw siya nu’ng sinu-shoot nila at pati mga crew. Posible raw na mga fan din ito ng Bubble Gang.

“May mga fan pala kaming ganun, mga millennial na, working na but I guess, nag-imprint sa kanila yung Bubble Gang. The commercial is nice, it’s about friendship.”

Regine-Nate-1

Actually, sina Ogie at Bitoy ang isa sa example ng mga artistang mula sa pagiging magkasama sa isang network na naghiwalay ay nanatiling magkaibigan pa rin.

Sila pa rin ang naglalaro ng basketball once a week at nagkakasama rin daw sa mga bible study.

Sabi nga niya, “Ano na kami, beterano na kami sa ganyan. Noong nag-30th concert nga ako, isa siya sa guest, si Janno (Gibbs) so wala kaming ganun.”

Though, Ogie has been a Kapamilya for a few years now at sumunod na nga rin sa kanya si Regine dun, aside sa ang anak na si Leila ay Kapamilya rin, tinanong namin siya kung nakikita niya ang sarili na Kapamilya na talaga till the end.

“I guess, yes, wala na rin naman akong ibang pupuntahan,” lahad niya.

Masaya raw sila ngayon. Malaking bagay rin daw na magkasama silang mag-asawa sa isang network dahil kahit sa iisang bahay sila, hindi rin naman daw all the time ay magkasama sila sa lahat.

True enough, e, sa Valentine’s Day na nga lang, magkaiba sila ng concert ni Regine. Si Ogie ay sa Newport Performing Arts, Resorts World para sa kanyang Valentine’s concert na Master of Love with the National Artist, Mr. Ryan Cayabyab at isa sa special guest niya ay si Mariel de Leon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s